Alien In Love

Bandera (Mindanao) - - News -

TUMABA ang puso ni Marianne sa ginawang pagtanggi ni Brummo kay Aiza nang dahil sa kanya.

At narinig pa niya na talagang pinanindigan ni Brummo ito. “I’m really sorry, Aiz. But that’s final. Hindi talaga puwedeng ako lang ang ihaharap mo sa iyong father. Tungkol ito sa foundation, e. Kaya kasama talaga dapat si Marrianne.” Mapilit si Aiza. “So how about if I say that this is a personal invitation. It has nothing to do with the foundation. Gusto ko lang talaga na ma-meet ka ng father ko because for me you are a special person.”

Hindi pa rin nagbago ang disisyon ni Brummo. “Marianne is also a special person. Personal or professional invitation … she has to be with me.”

“Don’t you think you are already making me pathetic, Brummo? Nagimbita ako and you are saying no because of another woman.”

Natigilan pareho sina Brummo at Marianne. Nahalata na nilang galit na si ,Aiza.

O masama ang loob. Pero hindi nataranta si Brummo. Talagang iba kung manindigan.

“Aiz, Marianne is not just another woman. Espesyal sa akin. Importante. Personal man o dahil sa aming foundation.”

“You are together? Pero walang kang sinabing ganyan sa akin kahapon.”

ni Gilda Olvidado

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.