SUPER SUPER HOROSCOPE HOROSCOPE

Sa 2019 makapag-aabroad

Bandera (Mindanao) - - News -

Sulat mula kay Maribel ng Manggahan, Santa Maria, Bulacan Dear Sir Greenfield,

Nag-aaplay po ako sa abroad sa ngayon bilang care giver. Dati na akong nag-aplay pero hindi ako natuloy, noong una nabagsak ako sa medical nito naman pong pangalawa na-illegal recruiter ako. Pero kailangan ko kasi talagang mag-abroad para makatulong sa aking pamilya na naghihirap sa ngayon sa aming probinsya. Ang maganda naman po nito sa ngayon ay may tumutulong naman po sa akin na pinsan ko na nasa abroad din. Itatanong ko lang sana kung matutuloy ako at kung matutuloy ako, kailan naman kaya ito magaganap? June 28, 1990 ang birthday ko.

Umaasa, Maribel ng Bulacan Solusyon/Analysis: Palmistry:

Bagamat may Guhit ng Hadlang, (Illustration 1-1, arrow 1.) nakalusot at nagpatuloy pa ring humaba ang Travel Line (Illustration 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin,

matapos ang katakot-takot at maraming mga pagsubok, sa bandang huli, dahil sa iyong kakulitan, matutupad mo rin ang iyong pangarap na makapagabroad.

Cartomancy:

Nine of Hearts, Six of Diamonds, at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa pagbungad na pagbungad ng taong 2019, bigla ang magaganap, matutupad lahat ang mga pangarap mo sa buhay, tulad ng pag-aabroad at kasunod nito marami pang suwerteng pang-materyal na bagay ang idadagdag sa iyo ng kapalaran.

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.