Konsehal, kagawad binaril, dedbol

Bandera (Mindanao) - - News - —John Roson

NASAWI ang isang konsehal at barangay kagawad sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Bicol region, Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga.

Binawian ng buhay si Antonio De Ocampo, Sangguniang Bayan Member ng Placer, matapos pagbabarilin sa Brgy. Katipunan alas-9:30 ng umaga, ayon sa ulat ng Bicol regional police.

Itinakbo sa ospital ang kanyang kasamang si Angelo De Ocampo, dahil sa mga tinamong sugat.

Ilang oras bago ito, alas-8 ng gabi Biyernes, nasawi si Emmelio Guab, kagawad ng Brgy. Lajong, Juban, Sorsogon, matapos ding pagbabarilin.

Nanonood si Guab ng basketball tournament sa court ng barangay nang pagbabarilin ng tatlong lalaki, ayon sa pulisya.

Matapos iyon ay tumakas umano ang mga salarin patungong Juban proper, lulan ng isang motorsiklo.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin sa dalawang insidente, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.