Diego mabenta sa mga beki, babayaran kapalit ng...

MOCHA CONSULTANT NA SA MALACAÑANG, P130K PA RIN ANG SWELDO KADA BUWAN?

Bandera (Mindanao) - - News - BY JULIE BONIFACIO

NAG-VIRAL ang indecent proposal ng male netizen kay Diego Loyzaga. Taga-ibang bansa ang nag-message sa aktor sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

“Literally as in, ganito kafrank ha, ‘Do you accept indecent proposal?’ Doon ako natawa. Parang you could have say it in a different way, ‘di ba? Like, 'do you want to meet up?' Kaya natawa lang ako,” kwento ni Diego sa mediacon ng bagong teleserye na Los Bastardos sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN na magsisimula na sa Lunes.

Nakatanggap na rin siya ng ibang indecent proposal from both gays and girls noon. Pero natatawa na lang daw siya at walang planong patulan ang mga ito.

“No, no, when it comes to social media you don’t even know whom you’re talking to, e. Social media is a facade that everybody uses. So, for me you’re asking them if I will date a person, I have to see the person in real life and not over Instagram,” sabi ni Diego. And speaking of date, inamin ni Diego na he’s dating someone but this time, she’s not from showbiz, “Well, there’s someone that’s inspiring me definitely. But let’s not discuss if I don’t like to have a relationship on someone from showbiz anymore,” ngiti niya. Hindi naman nao-offend si Diego na mapasama sa cast ng Los Bastardos. Knows naman ng marami na anak si Diego ni Teresa Loyzaga sa aktor na si Cesar Montano.

“No, not at all. It’s not offensive at all. If anything, it makes me want to do it more. I accept who I am. Tanggap ko ang sarili ko. And, hindi ko kailangang patunayan kahit kanino na, look, I’m an actor. This is the role that has given to me. Hindi nakakabastos ‘yung pamagat ng serye namin,” aniya.

Hindi naman daw ginawa ang serye based on his life. Lahat naman daw sila na bida sa Los Bastardos mula kina Jake Cuenca, Marco Gumabao, Joshua Colet hanggang kay Albie Casino ay gumaganap bilang mga bastardo.

“And being a bastard itself, ikayayaman ba ‘yun? Hindi naman. Ang mga bastardo may mga nagmamahal pa rin naman sa kanila. So, there’s nothing wrong with it at all," dagdag ni Diego.

Anyway, hango mula sa Cardinal Bastards series ng Precious Hearts Romances, ang Los Bastardos na nakasentro sa pamilya Cardinal na pinangungunahan ni Don Roman Cardinal to be played by Ronaldo Valdez.

Makakatambal ng mga bida ng Los Bastardos sina Ritz Azul, Marijoy Apostol, Mica Javier, Jane Oineza, Maxine Medina at Kylie Verzosa. Kasama rin sa serye sina Pinky Amador, Jeffrey Santos, Lito Pimentel, Efren Reyes, Rosanna Roces and many others.

❏❏❏

How true ang kumakalat na balita sa social media na tuloy pa rin ang pagtanggap ng sweldo ni Mocha Uson ng halagang P130,000 per month mula sa gobyerno kahit nag-resign na siya bilang PCOO Assistant Secretary?

Wala na nga si Mocha sa PCOO pero ginawa naman diumano siya bilang “consultant” sa Malacañang at tumatanggap ng kaparehong sweldo na P130,000 at mga benepisyo.

Take note, wala daw office hours si Mocha at pwedeng magtrabaho sa kanyang bahay. At the same time, pwede pa rin daw sumama si Mocha kay Pangulong Duterte anywhere. Totoo ba ito Ms. Mocha? ❏❏❏ Ginulat ni Elisse Joson ang publiko sa pagganap niya bilang si Margielyn, ang ating skateboarding world champ sa episode ng Maalaala Mo Kaya.

Mahusay pala siya at keri niyang gumanap ng medyo "out of the box".

At dahil sa very effective portrayal ni Elisse, umani ng mataas na rating ang episode niya sa programa ni Charo

Santos. Nakakuha ito ng 25.1% rating versus 18.9% ng katapat na programa.

Kagabi, natunghayan naman sa MMK ang episode ng mahusay na aktor na si Sandino Martin kasama si Bianca King. Magkapatid ang role nila sa kuwento.

Gumanap si Sandino bilang si Sherwin na ginawa ang lahat para madugtungan lang ang buhay ng kapatid na si Love (Bianca) na nagkaroon ng sakit sa bato.

Last time napanood namin si Sandino ay sa action-packed trilogy film na "Tres" na pinagbidahan ng Revilla brothers.

Nakasama rin sa MMK episode nina Sandino at Bianca sina Kristel Fulgar, Marc Santiago, Francine Diaz, Erika Clemente, Mickey Ferriols, Perla Bautista, Lovely Rivero, Erin Ocampo at Marc Acueza

sa direksyon ni Paco Sta. Maria.

MOCHA USON

DIEGO LOYZAGA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.