9 at 6 ang mahiwaga

Bandera (Mindanao) - - News -

Dear David,

NAIS kong malaman ang mga mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 23 1982. Tatlo lang ang anak ko, na nagaaral lahat. Kaya kahit na ako'y kawani sa pribadong negosyo, hindi kasya ang suweldo sa kanila pa lamang pangangailangan. Sumulat na ako sa iyo dahil biglang nagkasakit ang asawa ko at mahal pa ang niresetang mga gamot. Ubos na ang aking impok at nangungutang na ako. Anu-ano ba ang mga numero na tatama sa lotto? Anu-ano ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng masusuwerteng kulay.

NINOY NG BARANGAY SAN ISIDRO, GENERAL SANTOS CITY Dear Ninoy,

NINE (9) at six (6) ang mga mahiwagang numero. Buntala ng Mars at Venus ang kumokontrol sa iyong buhay. Kapwa malalakas ang mga mahiwagang numero kaya't natutukso ka na mangarap at magtangka sa mga halos na imposibleng bagay at kadalasan nawawalan ka naman ng konsentrasyon kung saan natutuklasan mo ang iyong sarili na walang natapos, at pinakamalala, ay halos walang nasimulan. Ang iyong sigasig ay nananatili lamang sa antas ng isip at hindi mo ito maisapraktikal. Isang sekreto sa iyong buhay ay magtangka ka na lamang sa pinakasimpleng aspekto ng buhay at umiwas maging ambisyoso at mapangarapin. Ang iyong kabiguan at nagmumula rin sa iyong sarili kung saan nawawalan ka ng direksyon. Suwerte ka sa larangan kung saan ikaw ay nakapaglilingkod na at kumikita pa-- tulad sa repair center, rentals o kahit passenger vehicles. May naghihintay na magandang kapalaran sa taon 2015 at 2016 kung saan may isang tao na tutulong sa iyong upang ikaw ay ma-promote sa trabaho na magpapasimula ng iyong pag-unlad. Buenas ka sa mga buwan ng Marso, Abril, Oktubre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3,9, 12, 15, 18, 21, 24 at 27 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Kulay pula at maroon ang buenas mo. Sa suertres, isama mo sa No.9 at No.6 ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa 1-7-11-1923-28-34-39-40-42.

ASSET tips: 2-5-8/ 8-21/ 2-1-5/ 8-9-3.Wiretips; 32-6/ 8-9-3/ 4-7-1/ 2-1-5. Double digit; 3-6/ 8-4/ 1-6/ 9-2. Luzon guide: 2-6-1118-23-28-34-37-40-42. VisMin: 2-5-11-18-23-27-3436-40-42.MegaLotto: 3-611-18-23-27-34-38-4042.Grand Lotto: 4-7-11-1923-25-34-36-45-47-50-53. Four Number: 4-2-7-2/ 8-93-1/6-4-2-7/ 8-9-2-3.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.