Kulam dapat paniwalaan

Bandera (Visayas) - - NEWS - Ni Bella Cariaso

Second of three parts

NOONG 70s, napabalita na si dating First lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos ang nakaranas na makulam.

Ayon sa mga balita, tinubuan ito ng kaliskis sa kanyang mga binti at para gumaling ay nagpahanap ito ng mambabarang na kokontra sa kanyang kulam.

Isang magaling na mambabarang sa Siquijor na ang pangalan ay Boscia Bulongon ang nahanap ng Palasyo.

Sinundo pa umano ni Marcos si Bulongon mula sa Siquijor papuntang Malacanang at binayaran siya ng malaking halaga para sa kanyang ginawang panggagamot. Sinasabing nagamot umano si Marcos mula sa sinasabing kulam.

Batay pa sa kwento, ibinaon umano ni Bulongon ang pera ngunit s iya ay pinatay ng kanyang mismong apo para lamang mapaamin kung saan niya itinago ang perang ibinigay ni Marcos.

Hindi umano tinatablan ng metal na sandata si Bulongon kay at gumamit umano ang apo niya ng sandata na gawa sa kahoy para siya patayin.

Hanggang ngayon aypalaisipan pa rin kung totoo nga ang kulam sa bansa o ito ay isang maling paniniwala lamang.

No scientific explanation

Sa kabila ng makabagong teknolohiya at medesina hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo may mga pangyayari at sakit na hindi umano maipaliwanag ng siyensiya.

Base sa kasaysayan, ang kulam ay ang pagpagamit umano ng supernatural o magical powers.

Pinaniniwalaan ng mga sinaunanag Kristiyano sa Europa na ang mga mangkukulam ay mga kahanay ng mga

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.