Bela naniniwalang magiging magdyowa sina Angel at Neil

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY REGGEE BONOAN

Nagpakitang-gilas kaagad ang pilot episode ng teleseryeng Pusong Ligaw noong Lunes, Abril 24 matapos itong makapagtala ng 18.2% kumpara sa katapat nitong programa 11.5%.

Nitong Martes ay nakakuha naman ito ng 18.1% versus 12% ayon sa Kantar National. Maraming nagabang sa kuwento at nagustuhan naman ng manonood dahil mabilis daw ang pacing.

Pati ang The Better Half ay hindi rin nagpahuli dahil nagtala naman ito ng 17.9% kumpara sa katapat nitong programa sa GMA 7 na umabot sa 9.7%.

Ang saya-saya naman ng bawa’t artistang kasama sa Pusong Ligaw at The Better Half dahil maski natapos na ang phenomenal hit na The Greatest Love tuwing hapon ay heto’t hindi pa rin bumitaw ang televiewers sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Kapag nagtapos na kasi ang programang pinakaabangan ng tao ay naglilipat na sila ng channel, pero hindi ito nangyari nitong linggo at ang pruweba ay ang magandang feedback at mataas na ratings ng dalawang programang napapanood pagkatapos ng It’s Showtime.

Nakahinga naman ng maluwag si Beauty Gonzales dahil inabangan ang Pusong Ligaw dahil ito ang ikinakakakaba niya noong grand presscon, baka raw hindi tangkilikin kasi Bianca King, Raymond Bagatsing, Joem Bascon at sina Enzo Pineda, Sofia Andres at Diego Loyzaga.

Ngayon pa lang ay excited na ang mga fans ni Coco Martin para sa gagawing remake ng "Panday" na balak isali sa darating na 2017 MMFF. Bukod sa pagganap sa iconic character na unang ginampanan ni Da King Fernando si Coco rin ang magdidirek Poe, Jr., nito.

Ibinigay na ni direk Carlo J. Caparas, ang creator ng "Panday", ang kanyang blessing sa Teleserye King para buhayin ang nasabing karakter na hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin sa mga Pinoy.

Kung matatandaan, sinabi ni Coco sa isang panayam na matagal na niyang pangarap na maging "Panday", "Isa po iyon sa mga dream roles ng mga artista. Para sa akin, kapag sinabi mong Panday, iyon ang tatak ng superhero ng Pilipino. Kung mayroon po silang Superman, tayo po ay may Panday."

BELA PADILLA AT JERICHO ROSALES

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.