Veloso case tatalakayin nina Du30, Widodo

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - — Bella Cariaso

INAASAHANG matatalakay ang isyu ng death row convict na si Mary Jane Veloso sa bilateral meeting sa pagitan ni Pangulong Duterte at ang bumibisitang Indonesian President Joko Widodo ngayong araw.

Itinaon ang state visit ni Widodo sa bansa sa pagdaraos ng Association of Southeast Asian Nation (Asean) Summit.

"The President can also be expected to discuss the situation of Filipino workers in these countries, including the case of Mary Jane Veloso,” ani Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Noong Miyerkules, nagpunta sa Malacanang ang ina ni Veloso na si Celia para hilingin kay Duterte na iapela ang kaso ng kanyang anak kay Widodo.

Nasintensiyahan si Veloso ng bitay matapos mahulihan ng heroin papasok ng Indonesia.

Kasabay nito, sinabi ni Abella na magandang oportunidad para sa Pilipinas ang state visit nina Widodo at Brunei Sultan Haja Hassanal Bolkiah para mapalakas ang relasyon ng Pilipinas sa mga bansang kasapi ng Asean.

"President Duterte will separately discuss with Sultan Bolkiah and President Widodo issues of common concern, such as security of our sea lanes, cross-border traffic and patrol, and economic cooperation,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.