Warning kay Coco: wag na wag papasok sa politika

‘Walang kinikilig sa pagpapakasal nina Hayden at Vicki!’

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY AMBET NABUS

MAY karapatan na hindi umurong o matakot ang pelikulang "Bliss" sa mga Hollywood movies na makakasabay nito this coming May 10.

Kakaiba ang atake, maganda ang pagkakalahad ng istorya, bago ang treatment at hindi nakakahiyang panoorin ang award-winning movie na ito ni Iza Calzado.

Napakahusay ng pagkakadirek ni Jerrold Tarog sa kakaibang psychosexual-suspense-thriller na ito. Hanep ang galing ng kanyang storytelling dahil aakalain mong isang Hollywood movie ang pinapanood mo.

Deserving manalo ng Best Actress si Iza sa "Bliss". Sa dami ng complexities ng kanyang karakter ay buong-buo mong makikita ang talino niya bilang sensitibong aktres. Nabigyan niya ng hustisya ang lahat ng mabibigat na eksenang ipinagawa sa kanya ng direktor kabilang na ang maseselang bahagi ng pelikula.

Mahuhusay din ang co-stars ni Iza sa "Bliss" from her mother sa story na si Shamaine Buencamino to Audie Gemora, the gay director and Michael de Mesa, the TV host. pati na ang "alternating" husbands ni Iza na sina TJ Trinidad at Ian Veneracion.

Pero kabog sila ng maldita at nakakainis na nurse sa kuwento na si Adrienne Vergara as Lilibeth/Rose na hindi talaga natakot magkaroon ng masturbating scene. Siya actually ang nagbibigay ng fear factor sa pelikula.

Highly-recommended namin ang "Bliss" na ipalalabas na sa May 10. Kung nagustuhan ito ng foreign audience, tiyak na magugustuhan din ito ng Pinoy moviegoers. Ang "Bliss" ay mula sa TBA Studios (Tuko Productions, Buchi Boy Ent at Artikulo Uno). Believe us, it's super worth your money and time.

Hmmmm, mukhang this year na magkakaroon ng katuparan ang isa sa mga pangarap ni Coco Martin.

Ito ay ang maging direktor ng sarili niyang pelikula. Tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik ng "Panday" sa big screen na gagampanan this time ni Coco. May go signal na ang creator nitong si direk Carlo J. Caparas para sa bagong movie version nito at naniniwala siyang bagay na bagay kay Coco ang nasabing role.

Sa 2018 pa magtatapos ang FPJ’s Ang Probinsyano (sorry pero medyo tumigil muna kami ng panonood dahil ang feeling namin ay nauulit lang ang mga subplots ng soap) kaya double FPJ project ang gagawin niya ngayon.

It’y patunay lang na ang yapak nga ng Hari ng Pelikulang Pilipino ang nais sundan ni Coco, pero siyempre sa departamento ng husay sa pagganap at pagiging mapangahas sa mga naging indie roles niya, iba pa rin ang Coco Martin. But let us make it clear, iisa lang ang Da King at kahit 10 Coco Martin pa ang isilang, never na nilang mapapantayan ang nag-iisang hari.

But then again, bakit nga naman hindi, di ba kapatid na Ervin? Punumpuno naman ng karapatan si Coco na gusto lang marahil patunayan na isa siyang dedicated artist at seryosong tao. Huwag lang niya sigurong ambisyunin din ang pulitika, noh dahil siguradong maiiskandalo lang ang buhay niya.

Kakaiba rin ang publicity machinery ng magdyowang sina Vicki Belo at Hayden Kho.

Hindi man sila mga active artists gaya ng mga sikat na showbiz personalities o controversial stars, aba'y lagi silang in the news.

Aktibo sa social media, laging nababanggit ng mga artista etcetera, etcetera. Pero sadyang nakakaumay na yung isyu ng love affair nila na sa totoo lang, wala naman sigurong gustong kiligin.

Ayaw raw kuno-kunong maging circus o malantad sa public ang isyu ng pinaplano nilang kasalan sa Paris this year pero panay naman ang posts nila ng mga ito sa kani-kanilang social media accouints?

Ang daming paandar! Nagpapasikat na keri nilang magpakasal kahit saan nila gusto? Ha-hahahaha! Wala lang, nakakainis na kasi ang sobra nilang pagiging sosyal kuno-kuno, eh!

"Mabuti naman!" Ito ang reaksyon namin sa desisyon ni Andi Eigenmann na ideactivate ang kanyang Twitter account.

Kung sino man ang nakapagpayo sa aktres na gawin ito, isasama namin siya sa aming daily prayers para sa mga good people. Maganda ang ginawa mo para sa aktres para kahit paano’y mailayo siya sa tukso. Nakakalurkey, pero dahil yun ang madalas pagmulan ng isyu sa kanya, perfect ngang tsugihin na niya ito.

Harinawang may magawang mas makabuluhan si Andi after this lalo na sa larangan niya as an actress dahil sa totoo lang, magaling siyang artista, on and off the camera. Ha-hahahaha!

HAYDEN KHO AT VICKI BELO

COCO MARTIN

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.