Alamin ang takbo ng love life, pera at trabaho sa Horoscope ni Madam Sophia

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - Ni Madam Sophia

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pag-ibig tuloy-tuloy ang daloy ng masarap na romansa. Sa pinansyal, tuloy ang pasok ng maraming pera. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sael-Agiel-Om.” Green at peach ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)

— Upang lalo pang umunlad hindi dapat mag bulaksak ng pera. Tandaang ang pagmamahal sa salapi at sa pamilya ay may katapat na ligaya. Swerte sa hayop na Ram. Mapalad ang 3, 13, 30, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Tetra-Om.” Green at beige ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)

— Maging palangiti upang ang suwerte ay lumapit. Magingat sa mga taong nagmamagandang loob, darating ang araw, uutangan ka lang nila. Ipagpatuloy ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Virgo. Swerte sa hayop na Bull. Mapalad ang 6, 12, 26, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Orange at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)

— Maraming nakaka-aliw na pangyayari ang darating. Hindi ka dapat malibang, ipagpatuloy ang pagiipon ng maraming-maraming pera. Sa pagibig lalo pang iinit ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Swerte sa hayop na Horse. Mapalad ang 5, 9, 27, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Gray at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)

— Sa pinansyal, dagdag na salapi ang matatanggap, wag ubusin agad-agad. Sa pag-ibig, isang Scorpio ang aalialigid na dapat namang pagbigyan. Swerte sa hayop na Crab. Mapalad ang 2, 16, 24, 31, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Mayabeeja-Om”. Red at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)

— Ituloy ang paglabaslabas ng lipunan, dahil sa isang pagtitipon may magandang kapalarang matatanggap. Sa pag-ibig, isang Sagittarius ang muling magpapatibok ng iyong puso. Swerte sa hayop na Turtle. Mapalad ang 5, 18, 23, 27, 32 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Araan-Taanam-Kebanam.” Blue at silver ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)

— Sa pag-ibig, magiging mapagbigay sa iyo ang isang Libra. Kaya pala, may lihim siyang pagtingin sa iyo. Wag masyadong gumastos, hayaan mong ang kasuyong Libra ang taya. Swerte sa anumang hayop na kulay puti. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Hare-Krisna-Om.” Blue at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)

— Pagtiyagaan ang kasuyong nagkakabilbil hindi lang naman sex at ganda ang sangkap ng masarap na pagmamahalan. Kahit medyo pumapangit ang kasuyo lambingin mo pa rin siya upang bigyan ka ng pera. Swerte sa hayop na Rabbit. Mapalad ang 6, 15, 12, 21, 38, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Pink at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)

— Wag intindihin ang mga problema pagsapit ng buwan ng Mayo kusa rin yang lilipas at mawawala. Sa pag-ibig, tuloy lang ang pakikipagrelasyon sa isang Cancer. Swerte sa hayop na Scorpion. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Lilac at maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)

— Sa pinansyal aanhin ang maraming pera kung hindi ka naman maligaya. Mamasyal sa isang lugar na gustong-gusto mong puntahan. Sa pag-ibig, sa pamamasyal bitbitin ang kasuyong maarte. Swerte sa hayop na Flying mantis. Mapalad ang 3, 13, 22, 31, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Yellow at peach ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)

— Ituloy mo lang ang pagsisipag, malapit na malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, sa mga huling araw na ito ng Abril may masasarap na romansang lalasapin. Swerte sa hayop na Goat. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om- Hagiel.” Yellow at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)

— Ituloy ang binabalak na nature adventure. Sa pag-ibig, mentras delikado, lalo namang sumasarap ang romansa. Subukan ang isang mapanganib na negosyo upang kumita ng limpak-limpak na salapi. Swerte sa hayop na Spider. Mapalad ang 4, 8, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Ketu-Om.” Magenta at brown ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)

— Sa pinansyal, isang uri lang ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain ang sa iyo ay magpapayaman. Sa pag-ibig katugma mo ang isang Cancer. Swerte sa hayop na Pitong maliliit na isdang kulay pula at isang kulay itim. Mapalad ang 3, 9, 18, 33, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om.” Red at blue ang buenas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.