Nambugbog ng GRO, dedo sa parak

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - — Radyo Inquirer, Liza Soriano

BINARIL at napatay ng mga pulis ang lalaking nambugbog umano sa GRO sa isang motel sa Pasay City.

Kinilala ang napatay na si alyas Mark, na ayon sa biktimang si Jenny Opril ay sumuntok sa kanya at sumaksak nang dalawang beses sa kanyang likod. Kahit pa nasugatan, nagawa pang makahingi ng tulong ng biktima sa kapwa GRO na nasa kalapit lamang na kwarto. Tumakbo naman palabas ng motel ang babae saka humingi ng tulong sa mga rumurondang pulis. Nanlaban ang suspek at nasaksak pa sa tiyan si Orada dahilan para paputukan ito at mapatay. Nang kapkapan ng SOCO ang suspek, nakuha sa bulsa nito ang mga drug paraphernalia. Dinala sa San Juan De Dios Hospital ang sugatang GRO at pulis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.