It’s complicated: celebrity couple umuuwi raw sa magkaibang bahay

AlDub ibang-iba sa KathNiel, LizQuen at JaDine

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY RONNIE CARRASCO III

TOTOO ang tinuran ni GMA SVP Lilybeth G. Rasonable na itinakdang hanggang one season (or equivalent to 13 weeks) lang ang airing ng AlDub teleserye.

Save for most TV soaps which exceed the three-month “life span,” matagal nang trend ang mga maiikling teleserye.

Pero hindi ito kadalasan nangyayari kung nagre-rate ang programa at pinapasok ng advertisers. Sino naman kasing istasyon ang gustong “pumatay” sa proberbial goose that lays the golden eggs?

‘Yun nga lang, the longer it stays on air, mas pinakakapal at ginagawang mas kumplikado ang kuwento, dinadagdagan ang mga tauhan making it seem like an epic (pero pagbibigay ‘yon ng trabaho to the jobless, sidelined actors), pinahahaba ang mga eksenang puwede namang itapon. And before you know it, it’s no longer the original storyline as ingeniously hatched by the creative team.

Bottom line of all this is #alam na.

Sa kaso ng AlDub, theirs is an odd screen partnership na hindi nag-transcend. Hindi ‘yon tulad ng KathNiel, LizQuen at JaDine na iisipin mong may totoong relasyon off-camera, whose scenes in their respective teleseryes can pass for moments captured in real life.

Wala man kasi sila sa harap ng camera, they breathe their characters kaya ramdam ang nanunuot na kilig.

There’s probably no better way to promote local tourism than letting our lovely Pinoy women parade their God-given beauty.

Riding high this pageant season, layunin ng Miss Tourism Philippines, Inc. (MTPI) sa taong ito na iangat pang lalo ang antas ng timpalak-pagandahan as it endeavors to to be at par with the rest of the prestigious beauty contests across the country.

This year, MTPI is looking for articulate, smart and naturally beautiful candidates who can embrace its advocacy in promoting tourism. As MTPI President Ms. Amy Sunio-Abarquez puts it, “The organization is on the lookout for Filipina beauties that embody exceptional tourism awareness with love for the culture and the arts.”

Naghahanap sila ng mga kandidatang single, Filipino citizen, high school o college student/graduate, edad 17 years old (with parent’s consent) hanggang 26 years old, at least 5’5 in height at nagtataglay ng good moral character.

Ang mga kinatawan mula sa mga overseas Filipino community na napili ng kani-kanilang pageant director automatically form part of the official candidates. Sa mga nais sumali, maaaring i-download ang application form through MTPI website at www.misstourismphilippines.com.ph or visit their Facebook account: Miss Tourism Philippines.

Ngayong araw hanggang bukas ang screening sa Networld Hotel Spa and Resort Roxas Blvd. cor. Sen. Gil Puyat Ave., Pasay City.

This year’s title at stake is Miss Tourism World Philippines who will represent the country in the international pageant. Other winners are Miss Tourism Philippines-Luzon; Miss Tourism Philippines-Visayas and Miss Tourism Philippines- Mindanao.

For details, call MTPI secretariat at (+632) 4380810/(+632)9278998 /(+632)927908-0568 /947-4501046 (Derek Balaois) /917-9806780 (Sander Andan/916-948-1725 (Atorni Ton).

Hula hoop: Pasintabi muna sa aming source, hindi rin kasi ito 100% sure kung ang ipinagawang magarang bahay ng isang sikat na aktres ay nasa ilalim ng pangalan nilang magasawa, or under her name only. May pagkakumplikadong ewan kasi ang status ng aktres who became an instant mom to the kids of her husband from a previous relationship.

“Again, hindi ako sure if the house she had built is a conjugal property or is solely under her name. This much I know, kahit mag-asawa na kasi sila, they hardly live in one roof. Du’n pa rin sila umuuwi in their respective units,” paglilinaw ng aming tipster.

Ang isa pang natitiyak nito, mamahalin ang mga fixtures sa bagong tahanan ng aktres whose taste is that of society’s rich and famous. Isang bintana pa lang ng bahay nito costs a fortune.

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.