Tadeco sinupalpal si Calida

Bandera (Visayas) - - NEWS - — Leifbilly Begas

HANDA ang Tagum Agricultural Development Company, Inc. na sagutin ang mga alegasyon na iligal umano ang pinasok nitong kasunduan sa Bureau of Corrections kaugnay ng lupa na pinagtataniman ng saging sa Davao City.

Sa isang pahayag, pinuna rin ng Tadeco ang sinabi ni Solicitor General Jose Calida na ang joint venture agreement nito at ng BuCor ay paglabag sa Public Land Act (Commonwealth Act No. 141).

“The statement of Solicitor General Jose Calida is premature and uninformed,” saad ng pahayag. “… the review of the Department of Justice is still on-going and the House probe has not yet begun. Furthermore, there is no case filed before the courts on the cancellation of the said JVA.”

Iginiit ng Tadeco na tanging ang korte lamang ang makakapagdesisyon kung legal o hindi ang JVA.

Sinabi ng Tadeco na ilang beses ng sinuri ang DoJ at ilang imbestigasyon na sa kongreso ang pinagdaanan nito sa mga nakaraang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.