LAITERANG MGA BASHERS MALAKI ANG NAITULONG SA PAGPAPA-SEXY NI JUDAY

Carmina pumayag maging kabit ni Nonie Buencamino sa ‘MMK’

Bandera (Visayas) - - NEWS - BY ERVIN SANTIAGO

PAYAT na uli si Judy Ann Santos nang humarap sa entertainment media para sa presscon ng Bet On Your Baby Season 3.

Mahigit 32 pounds na raw ang nabawas sa timbang ng Soap Opera Queen matapos siyang manganak sa bunso nilang anak ni Ryan Agoncillo na si Luna. Pero sabi ni Juday, kailangan pa niyang magpapayat para maabot ang kanyang ideal weight.

Ano nga ba ang ginawa niya para medyo mapabilis ang kanyang pagpayat? "Of course there's diet. There's proper eating. Hindi siya diet na starvation. It's diet according to my workout program, low carb-high protein diet.

"Three to four times a week na workout. Lots and lots of water. Natural sugars that you get from fruits, vegetables, honey ganyan," ayon kay Juday.

Malaki rin daw ang naitulong ng pag-aalaga niya kay Luna para magbawas ng timbang, "Alam mo 'yung Luna, malakas makapagpapayat. 'Yung hahabol, papaliguan, patulugin, masaya kasi naglose ako ng five pounds sa America, siya lang."

Na-realize rin niya na kailangan niyang mag-effort para mapanatili ang kanyang pagiging fit and healthy to take care of her family.

"Itong pregnancy ko kay Luna, umabot ako ng 172 lbs. Ngayon nasa 140 ako. So mga 15 lbs., 20 lbs. more. Pero hindi naman 'yung liit ng waistline ang hinahabol ko, 'yung fitness, 'yung ma-reach 'yung highest energy as much as possible. Maging healthy, susunod naman 'yung katawan doon, pero ang goal lang talaga ngayon ay to look good muna."

Hirit pa ng Kapamilya actress, "Alam mo naman ang bashers sampu-sampera 'yang mga 'yan. So kung may isa mang nagawang maganda ang mga bashers sa akin, maliban sa motivation ay binigyan nila ng ibang klaseng elemento ang workout ko ngayon. 'Yung, may ibang texture pala ito kapag may gusto kang i-tag."

Challenging ang bagong karakter na gagampanan ni Carmina Villaroel sa espesyal na namang episode ng Maalaala Mo Kaya tonight.

Sa murang edad, nasanay na si Clara (Carmina) nang walang ama kaya naman naging malapit siya sa isang lalaking di hamak na mas matanda kesa sa kanya, si Jun (Nonie Buencamino )na pamilyado na ring tao. Ngunit nang malaman niyang meron itong gusto sa kanya, unti-unti na siyang lumayo rito.

Upang maiwasan si Jun, nagdesisyon si Clara na lisanin ang Pilipinas at tumungo sa ibang bansa. Ngunit sa kanyang pagbabalik sa bansa makaraan ang apat na taon, hindi pa rin siya tinigilan ni Jun hanggang sa may mangyari na nga sa kanila.

Nabuntis si Clara kaya napilitan na rin siyang pumayag na maging kabit ng ama ng kanyang anak. Pilit niyang nilunok ang kahihiyan ng pagiging kabit para sa kanyang tatlong anak. Naging mahirap din para sa kanila ang magkaroon ng tahimik na pamumuhay dahil sa takot na baka iskandaluhin sila ng tunay na asawa ni Jun.

Hanggang sa dumating ang araw na hilingin ng bunso niyang anak na makilala ang kanyang mga kapatid sa ama. Hindi ito napagbigyan ni Clara ngunit napilitan din siyang makipag-usap kay Jun para bigyang katuparan ang wish ng kanyang bunso nang magkaroon ito ng cancer.

Matanggap kaya ng tunay na asawa ni Jun ang mga anak niya sa labas? Paano haharapin ni Clara ang katotohanang anumang oras ay maaari nang mawala ang kanyang bunso dahil sa cancer? Magiging happy ending ba o mauuwi sa trahedya ang kuwento ng kanyang masalimuot na buhay?

Makakasama rin sa MMK episode na ito sina Barbie Imperial bilang young Clara, Lui Villaruz as young Jun; Patricia Javier, Ruby Ruiz, Joshua Dionisio, Kokoy de Santos, Yogo Singh, CX Navarro, Jahren Estorque, Iñigo Delen, Simon Ibarra, Jai Agpangan, Melizza Jimenez at Johan Santos. Ito’y sa direksyon ni Dado Lumibao at sa panulat nina Mae Rose Balanay at Arah Jell Badayos. Bukas na magsisimula, 7:35 p.m. after Hay Bahay ang pinakabago at bonggang kid fantasy series sa GMA na Daig Kayo Ng Lola Ko. Bida rito si Ms. Gloria Romero at ang dating child star na tween star na ngayong si Jillian Ward at ang mga Kapuso kids na sina Chlaui Malayao, David Remo at Julius Miguel. Excited na si Jillian sa pagsisimula ng kanilang programa tonight dahil first time nga niyang gaganap na tween fairy. Close na rin daw sila sa kanilang Lola Glo na gumaganap ding engkantada sa show. “Sobrang bait po ni lola lalo na po pag sa set. Kunwari kahit magkamali kami nila David, talagang sabi niya 'okay lang ganiyan din si Lola,'” ani Jillian.

JUDY ANN SANTOS AT CARMINA VILLAROEL

JILLIAN WARD

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.