JULIAN TRONO SUSUNOD SA YAPAK NI JAMES REID

Tambalang JuliaNella bagong pangsabong ng Viva

Bandera (Visayas) - - NEWS - BY REGGEE BONOAN

MAY bago na namang pasisikatin ang Viva Films, ang loveteam na JuliaNella nina Julian Trono at Ella Cruz. Bibida ang dalawa sa pelikulang "Fanboy/Fangirl" kung saan gaganap na isang trying hard actor si Julian habang Koreanovela dubber naman si Ella.

Si Julian ay dating GMA 7 artist na nasa talent management agency na ngayon ni Ms. Veronique del Rosario kasama ang ibang Viva talents na sikat na.

Multi-talented ang binata dahil bukod sa galing nito sa pagsasayaw ay marunong din siyang kumanta at umarte.

Kuwento nga ng baguhang aktor pagkatapos ng presscon na ibinigay ng Viva Artist Agency sa kanila ni Ella, “Nag-compliment po kasi ‘yung tatlo, acting, singing and dancing. Dancing brought me wherever I am now, ‘yung singing kasi naggrow na lang kasi from singing to dancing, puwedeng sayawin mo rin ‘yung kanta mo, di ba? Yung acting, film student ako, so nagco-compliment po sa lahat ng gawin ko. Acting lang po ‘yung medyo hindi ko pa nawowork out masyado.”

Kasalukuyang nag-aaral sa Meridian International College or MINT College si Julian at nasa ikatlong taon bilang Film student sa edad na 19.

Aminado ang binata na pangarap din niyang maging direktor, “Yun po talaga ang direction ko personally. When I took up Film, sabi ko, I want to write stories, I want to direct kasi po, I do write stories, actually from the very start, I shoot the dance videos, ako talaga gumagawa.

"Gusto ko lang po ng larger scale, sana with Viva, ma-work ko ‘yung stories (na gusto ko). Hindi pa naman po ngayon, pag natapos ko na ‘yung studies ko, mabigyan na ng boses ‘yung mga ginagawa ko,” aniya.

Umingay ang pangalang Julian Trono dahil sa K-Pop, nagpunta pa talaga siya sa Korea para mag-guest sa isang variety show doon courtesy of GMA Artist Center.

“It was successful naman po after a year of training here (Pilipinas) for the Koreans tapos lumipad kami sa Korea nu’ng February, 2015. Went there and nag-perform ako sa parang ASAP show nila then went back here in the Philippines para ipromote ‘yung single.

“I don’t know what happened na kasi parang nagkaroon ng miscommunication with the management (GMA) at ng mga Korean, hindi ko po alam. Siguro hindi na natin kailangang i-discuss kasi hindi ko rin po alam masyado ‘yung details so hindi na natuloy.

“It was successful naman po kasi nagkaroon naman kami ng tour dito sa Philippines, but after that, ‘yung music nag-subside na and then I went back to soap,” paliwanag ng binata.

Na-frustrate raw si Julian noong hindi nagtuluy-tuloy ang nasabing proyekto, “Nandoon po nu’ng time na ‘yun. But hindi naman sa akin ‘yung blame. With due respect to everyone involved, nagkaroon lang po ng mga problema, kung baga walang dapat sisihin.”

Aniya pa, “And I think, this could be the time now. Siguro meant to be na rin na hindi muna maging successful ‘yun kasi nandito ako sa Viva, ganu’n na lang po, positive na lang. But naging hopeful ako na magkaroon ng international career, but expectations, wala akong ganu’n kasi I don’t expect too much. I take it by the day.”

Reaksyon naman ng binata sa mga nagsasabing katunog daw niya si James Reid at posibleng siya na ang susunod sa yapak nito bilang magaling na aktor, singer at dancer. “Parehas po kasi kami ng in-house songwriter, ‘yun kasi ang sound nila. Well I take it as a compliment kasi iba rin ‘yung artistry ni James, singing talaga ang passion niya.

“Ang kaibahan lang sa akin, I’m more into dancing and ngayon na lang ‘yung singing. ‘Yung next single ko that we’re working out, I’m trying a different path to keep more sound like me. Introduce a new sound, kasi ‘yung PPOP generation namin na show, pino-promote namin ‘yung OPM, I think, that will be a good venue to showcase a new music and a new sound,” paliwanag ni Julian.

Bukod sa pelikulang "Fanboy/Fangirl" ng JulianElla ay may CD album din ang dalawang bagets, “We’re so blessed with all these opportunities. Sunod-sunod ang mga project. We’re super thankful to Viva,” saad ng singeractor-dancer. “Nakaka-tense din. Big challenge for me and Julian to prove ourselves,” say naman ni Ella.

Samantala, nasa dalawang milyon na ang followers ni Ella sa social media at umabot na sa 6 million views ang dance video niyang "Work It."

Mahigit 4 million views naman ang nakuha ng "FettyDanceCraze" video ni Julian at nagtala naman sa 3 million views ang video ng unang pagsasama nila ni Ella na "Versace On the Floor."

JULIAN TRONO AT ELLA CRUZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.