Marian vs 3 Sang'gre: maaksiyon, madugong laban

Gabby, Ryza manggugulo sa Full House Tonight

Bandera (Visayas) - - NEWS -

HABANG papainit nang papainit ang panahon ngayong summer, hot na hot din ang tawanang handog ng paborito n'yong tropa sa Full House Tonight ng GMA.

Ngayong Sabado ng gabi makikigulo sa Team Full House sina Rome at Georgia ng pinag-uusapang afternoon serye na Ika-6 Na Utos. Makakasama ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sina Gabby Concepcion at Ryza Cenon sa mga nakakawindang na sketches at iba pang kalokahan. Abangan din ang Full House Tonight version ng Ika-6 Na Utos entitled "Ikapitong Utos."

Si Gabby sasali rin sa frat nina Joross Gamboa, Boobay, Terry Gian, Philip Lazaro at Tetay habang si Solenn Heusaff naman ay sasabak sa rock music, kasama sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Idagdag pa riyan si Sang’gre Alena (Gabbi Garcia) na makakasama ni Regine sa isang musical number.

Huwag palampasin ang walang patumanggang tawanan, plus biritan to the highest level ngayong Sabado ng gabi sa Full House Tonight pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.

Maraming netizens ang natuwa nang makita ang litrato ng mga Sang’gre ng Encantadia na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro kasama ang inang si Reyna Mine-a na ginagampanan ni Marian Rivera-Dantes.

Matatandaan kasing pinaslang siya ni Asval at mula noon ay humimlay na sa Devas. Ngunit isang bagong twist na naman ang aabangan dahil pinasilip na ang pagbabang lik ni Marian sa mundo ng Encantadia. Laking gulat naman mga manonood dahil kasama na niya ngayon ang mga kawal ng mga kalaban.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, ibang-iba na raw ang kanyang character na si Hara Minea dahil magiging kalaban na siya at isa sa mga dapat abangan ay ang maaksyong labanan nila ng kanyang mga anak na Sang’gre. Exciting ang mga bagong kaganapan sa Encantadia kaya huwag na huwag daw kayong bibitiw sabi ni Marian.

GABBI GARCIA, GLAIZA DE CASTRO, MARIAN RIVERA AT SANYA LOPEZ

GABBY CONCEPCION AT RYZA CENON

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.