Magtatagumpay sa pagiging guro (2)

Bandera (Visayas) - - NEWS -

Sulat mula kay Cristel ng Gumaok, San Jose Del Monte, Bulacan Problema:

1. Nag-aaral po ako ng pagkaguro sa kasalukuyan. Ang kaso parang sa susunod na pasukan ay mahihinto ako dahil kapos na ang budget ng pamilya namin. Nawalan kasi ng trabaho ang tatay ko habang naglalabada lang ang nanay ko. Kaya sa ngayon ay nag-aaplay ako ng trabaho kahit summer job lang para kapag nakaipon ay maipagpapatuloy ko ang aking pagaaral.

2. Gusto ko lang itanong kung may pag-asa kaya akong makatapos ng pag-aaral kahit na naghihirap ang pamilya namin? Anim po kasi kaming magkapatid at ako ang panganay. December 12, 1997 ang birthday ko.

Umaasa, Cristel, ng SJDM, Bulacan

Solusyon/Analysis: Astrology:

Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ay nagsasabing bagay na bagay sa iyo ang kursong may kaugnayan sa pagtuturo, dahil karamihan sa mga Sagittarius ay nagtatagumpay sa ganyang larangan. Ibig sabihin hindi ka nagkamali sa pangarap mong tinatahak, dahil balang araw, hindi ka lang makakatapos ng pag-aaral sa halip makakapasa ka pa sa board exam.

Numerology:

Ang birth date mong 12 ay naglalarawan ng katalinuhan at pagiging masipag sa larangan ng career at propesyon. Ibig sabihin, kapag naka-enroll kana sa susunod na pasukan, tulad nang inaasahan, sa kursong education, tuloy-tuloy ka nang mananaig at magtatagumpay. Graphology:

Upang matiyak ang isang matagumpay at maunlad na career, ngayon pa lang ayusin mo na ang iyong lagda. Sa halip, na sobrang liit, lakihan mo ang mga letra sa iyong pirma. Sa ganyang lagda, malaking-malaki ang iyong pirma, anoman ang pangarapin mo sa buhay, magtatagumpay ka at magiging maligaya.

Huling payo at paalala:

Cristel, ayon sa iyong kapalaran ituloy mo lang ang lahat ng iyong plinaplano at binabalak, maghanap ka ng summer job at pagkatapos ay magipon at kapag nakaipon muli kang mag-enroll sa darating na pasukan. Sapagkat malaon nang nakatakda sa iyong kapalaran na ikaw ay magtatagumpay sa napili mong kurso, kung saan, tuloy-tuloy na may darating na pera sa inyong pamilya upang tuloy-tuloy ka ring makatapos ng pag-aaral hanggang sa maging isang matagumpay na guro sa takdang panahong inilaan ng kapalaran. At marami pang malalaking tagumpay na darating sa iyong career na magsisimulang maganap at mangyari sa taong 2024 sa edad mong 27 pataas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.