Zamboanga nagdomina sa PRISAA weightlifting

Bandera (Visayas) - - NEWS -

DINOMINA ng Zamboanga ang weightlifting, kinontrol ng Central Visayas ang seniors division at napasakamay ng Western Visayas ang youth division sa PRISAA 2017 National Games na nagtapos kahapon sa Zambales Sports Complex.

Hinakot ng mga Zamboanguenos ang halos lahat ng medalyang nakataya sa nakuhang 31 sa 64 ginto maliban sa 23 pilak at 10 tanso na nakuha nito para muling patunayan ang husay nito sa sport sa lugar na kinikilalang “Weightlifting Capital of the Philippines” sa isang linggong paligsahan na sinuportahan ng Philippine Sports Commission, Commission on Higher Education at mga local government units.

Si Mary Flor Diaz, pinsan ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, ang naging top lifter para sa Zambaonga ng manalo ng tatlong ginto.

Nangibabaw ang Central Visayas sa senior division matapos humakot ng 119 ginto, 53 pilak at 53 tanso para sa kabuuang 225 medalya. Sumunod ang Western Visayas sa 44-41-45 medal tally at Region IVA Calabarzon na may 3128-44 medal count.

Nanguna ang Western Visayas, na pinalakas ng mga atleta galing sa Iloilo, sa youth division na may kabuuang 158 medalya sa nalikom na 92 ginto, 43 pilak at 23 tanso. Sumunod ang Central Luzon sa natipong 33-48-21 medal tally at Negros Island Region na may nakalap na 20-16-4 medalya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.