11.5M PAMILYANG PINOY: POOR KAMI

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - Ni Leifbilly Begas

AABOT sa 11.5 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabi na sila ay mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Station.

Ito ay 50 porsiyento ng 1,200 respondents, mas mataas ng anim na porsiyento kumpara sa 10 milyong pamilya (44 porsiyento) na naitala sa survey noong Disyembre.

Pinakamataas ang bilang ng itinaas sa Luzon (hindi kasali ang Metro Manila). Naitala ito sa 50 porsiyento mula sa 42 porsiyento noong Disyembre o walong porsiyentong pagtaas.

Sumunod naman ang Mindanao na naitala sa 53 porsiyento o anim na porsiyentong pagtaas.

Sa Metro Manila ay may limang porsiyentong pagtaas o 36 porsiyento mula sa 31 at sa Visayas ay tumaas ng isa at nasa 57 porsiyento na.

Ang mga nagsabi naman na ang kanilang pagkain ay pangmahirap (food-poor) ay tumaas sa 35 porsiyento (8.1 milyong pamilya) mula sa 34 porsiyento (7.7 milyong pamilya) sa survey noong Disyembre.

Upang hindi na maging pangmahirap ang kanilang kinakain, sinabi ng mga taga-Metro Manila na kailangan nilang gumastos ng P9,000 kada buwan sa pagkain. Tig-P5,000 naman sa iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Ginawa ang survey mula Marso 25-28 ay kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3. Ang resulta ng survey ay unang nailathala sa BusinessWorld ang media partner ng SWS.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.