Relasyong AlDub totohanan na; tatay ni Maine tinawag na 'balae' ang ama ni Alden

Ai Ai rarampa sa mga palengke; may pasabog na sorpresa kay Bossing

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY JUN NARDO

Tom balik-trabaho agad para madaling makarekober; Carla babawi sa BF

NAYANIG sa malakas na sigawan ang The Tent sa Manila Hotel dahil sa AlDub fans na dumalo sa isang event kung saan special guests sina Alden Richards at Maine Mendoza last Thursday night.

Present sa event ang parents ng phenomenal loveteam at sa kalagitnaan ng programa, tumayo ang father ni Meng at tinawag na “balae” ang father ni Alden! Hayun, dumagundong ang buong venue dahil sa eksenang ‘yon!

Sa isang bahagi pa ng programa, may batang kasama sa stage ang dalawa. Kung hindi kami nagkakamali, pamangkin ‘yon ni Maine. Parang anak ang trato ng dalawa sa bagets kaya tinukso sila ng fans na magpakasal na agad para magkaroon ng totoong anak!

Of course, malayo pang mangyari ‘yon kina Alden at Maine. May career pa silang dapat pagtuunan ng pansin. Right after ng primetime series nilang Destined To Be Yours, alam ng lahat na pelikula naman ang susunod nilang gagawin.

Susugod ngayong alassiyete nang umaga si Ai Ai delas Alas sa Balintawak para ipamalita sa mga mamimili ang showing ng movie niyang "Our Mighty Yaya". On the go ang Comedy Queen sa promotions ng kanilang pelikula ngayong long weekend.

From Balintawak Market, diretso si Ai Ai sa Farmer’s Market sa Cubao upang doon naman makihalubilo sa mga namamalengke. Then, special guest siya sa Eat Bulaga kung saan saya at papremyo ang hatid niya. Birthday celebration din ng kanyang bossing, friend, ka-loveteam at critic sa pagkain ng organic food na si Vic Sotto kaya siguradong may pasabog siyang surprise para sa celebrator.

Sunday Family Day naman ang dala-dala niya sa mall shows na gagawin bukas sa Trinoma at 4 p.m. at susundan ito ng show niya sa Fairview Terraces ng 5 p.m. kasama ang ilan cast ng "OMY."

Ise-celebrate naman ni Ai Ai sa May 1, ang National InaYaya Day. Una niya itong gagawin sa Star Mall-Alabang ng 4 p.m. at sa Ayala Malls South Park sa ganap na 5 p.m.

Inspired si Ai Ai sa pagpu-promote dahil mula nang ilabas ang trailer ng movie sa social media, mahigit 1.5 million views na and nahamig nito, huh!

Tinambakan ng trabaho ngayon si Tom Rodriguez upang mapawi ang kalungkutang nadarama sa pagkamatay ng ama. Biglaan ang pagpanaw ng tatay niya kaya naman hindi agad naka-recover and Kapuso actor.

Trabaho agad ang ginawa ni Tom pagbalik ng bansa. Nag-shoot ng bagong endorsement, nag-taping ng guesting niya sa Mulawin vs. Ravena at nu’ng isang araw, dumalo sa story conference ng reuninon series nila ng girlfriend na si Carla Abellana, ang I Heart Davao.

For a change, romantic comedy ito unlike sa huli nilang ginawa na drama at kay Tom na heavy drama, ang Someone To Watch Over Me. Siyempre, sa Davao ang location ng series at take note, dalawa ang directors

nila, sina Marlon Rivera at Chris Martinez.

This time, makakabawi na si Carla kay Tom dahil hindi siya nakapunta sa Amerika upang damayan sa kalungkutan ang boyfriend.

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

VIC SOTTO

AI AI DELAS ALAS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.