Kris ipinagyabang ang bagong mansyon; walang living room, super laki ng kusina

Sigaw ng bashers kay Jessy: Shut up! Lagi kang pa-victim!

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY ALEX BROSAS

Kilalang young actress nag-panic nang ma-delay ang ‘dalaw’

MAGRA-RALLY daw ang AlDub fans.

That’s the chika sa Twitter na aming nakalap.

Bakit naman sila magrarally? Is this out of protest nila against GMA 7 writer Suzette Something who said that their idol’s teleserye is a flop?

Anyway, pinagtawanan lang ang bantang rally ng AlDub fans. Netizens believe that it will not prosper. Sabog na kasi ang AlDub fans, wala ng pagkakaisa sa kanilang grupo. Nag-aaway na nga sila, ‘di ba? ‘Yung maka-Maine Mendoza super bash si Alden. ‘yung maka-Alden super tanggol naman sa idol nila.

“Worldwide rally? Sure kayo? Sa twitter lang kayo nakikita. Outside twitter waley kayo. Akala niyo naman madami kayo. Ewan ko sa inyo kulto.”

“Pano sila mag rarally, dito sa soc med? kung sana maganda outcome ng teleserye pwede pa. Puro lang sila salita. At uuwi na NASA abroad.”

“Hahaha! socmed lang sila noh! Wag nga sila sa 41M nila. Wala na yan ngayon. Konti na lang sila.”

“Gumagapang na nga sa hirap, yong 1M na tweet nila, subukan kaya nila magrally sa Edsa kung meron 1000 sila.”

“Hahahaha 500 na lang sila.”

‘Yan ang mga hanash sa Twitter against AlDub’s planned rally.

Kris Aquino can’t contain her excitement sa kanyang bagong bahay kaya naman kahit partial ay panay ang display niya ng iba’t ibang part ng kanyang balaysung sa kanyang Instagram account.

Particularly proud si Kristeta sa kanyang beautiful kitchen na talagang mukhang yayamanin. “A partial view of our kitchen. I think I’ve shared in the past wala kaming living room, just a lanai by the pool because I wanted maximum space for my cooking; I can’t wait for us to move in because I’ve missed creating our family meals.

"This was my dream, to have rose quartz countertops & different cooking stations - we have a teppanyaki grill, high heat intensity wok cooking spot, double ovens, and next week they’ll Install my (of course @petroncorporation Gasul) powered cooktop. #home!

“Last day here tomorrow straight to a dinner meeting when we arrive on Wednesday. GOOD NIGHT.”

That was her caption sa kanyang photo of her kitchen.

Hindi rin pinalagpas ni Kris ang bathroom ng kanyang mga anak. Talagang may-Idisplay siya sa kanyang IG ng photo nito with this caption: “A glimpse- the @heiminteriors designed bathroom for my 2 boys.

"Yes, seems Mother's Day will be celebrated in our home. (It's a maarte, Kris envisioned locker room inspired bathroom with 2 showers, 2 toilets & a tub, not pictured is the side by side vanity sinks.) Thank you @rossyrojales for making my concept a reality.”

May paandar ang girlfriend ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola sa bashers.

“I will respect your opinion as long as your opinion doesn’t disrespect anyone else’s existence.”

That was Jessy’s rant against her bashers.

Although it was very well said, nalait pa rin si Jessy by netizens who felt is shouldn’t come from her lalo pa’t she’s fond of posting the same photos of her karibal (imagined or otherwise) most of the time.

“Luh? Shut up Messy. Starlet forever ka pa din. Btw naintindihan mo kaya yang pinost mo? Haha.”

“Oo nga puro pa good vibes post pero contradicting naman ang actions nya.”

“Pa victim effect e sya naman gumagawa ng paraan para ibash sya.”

“True yan. di naman sya ibabash kung di sya gumagawa ng reason para ibash sya. Masyado na syang papansin sa mga tao. dapat iniignore na lang tong taong to. di sya worth it ng time and effort.”

May nagmahadera at bumuwelta sa bashers ni Jessy by saying, “ANG SASAMA AT PANGET NG UGALI NG MGA BASHERS SA ITAAS!..hindi ba kayo marunong 'magpatawad' at matanggap na ang tao ay puedeng magbago? Inaano ba kayo ni Jessy? Wala syang nagawang kasalanan sa inyo, mga feelingerang perfekto!!!”

Na-delay ng 10 days ang menstruation ng sikat na young actress kaya naman nag-panic kaagad siya.

Aligaga ang hitad dahil ang feeling niya ay nabuntis siya ng kanyang poging kaloveteam. Siyempre, hindi pa siya handang magka-baby lalo’t okay pa naman ang kanyang career.

It turned out na false alarm ang kanyang pagbubuntis dahil on the 11th day ay nagkaroon siya ng menstruation. Next time, kung gagawa ng milagro, dapat mag-ingat!

KRIS AQUINO ALDEN RICHARDS MAINE MENDOZA JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.