Bus umapoy sa kalsada

Bandera (Visayas) - - NEWS - —John Roson

NAGLIYAB ang pampasaherong bus habang binabagtas ang bahagi ng Maharlika Highway sa Atimonan, Quezon, Huwebes ng gabi, pero walang naiulat na nasugatan.

Bumibiyahe pa-timog ang Raymond bus (EVR383) nang magliyab sa bahagi ng highway na nasa Brgy. Angeles alas-6, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Sinabi sa pulisya ng driver na pumutok at umusok ang isa sa mga gulong sa likod kaya ihininto niya ang bus sa gilid ng highway.

Bumaba ang driver at sinubukang apulahin ang nakitang apoy pero nabigo, kaya pinababa na rin ang mga pasahero, ayon sa pulisya.

Naapula ng mga rumespondeng bumbero ang apoy alas-6:20. Inaalam pa ang sanhi at halaga ng pinsalang dulot ng apoy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.