4 at 8 ang mahiwaga

Bandera (Visayas) - - NEWS -

Dear David,

ISA akong magsasaka pero baon pa rin ako sa utang. Nag-aaral kasi ang tatlo kong anak. Bigyan mo ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 4, 1970. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Anong negosyo ba ang dapat kong pasukin? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa mga number games?

MARIANO NG ILOILO CITY

Dear Mariano,

NUMBER four (4) at eight (8) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Uranus at Saturn ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay dilaw at itim ang buwenas mo. Maselan ang iyong mararanasan. Karaniwang nakakatikim ng dagok sa buhay sa panahon ng kabataan ang tulad mong may ganyang kombinasyon ng mahihiwagang numero. Pero sa katagalan, matututuhan mong makaadjust makabisado ang buhay—na siyang magsisilbing bertud mo at hagdan mo tungo sa pag-angat sa pinakamataas na antas ng pananagumpay. Buwenas ka sa lahat ng may kaugnayan sa sikat ng araw at lupa. Walang duda, magkakaroon kang bigla ng malaking halaga na ikagugulat mo.

May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2018 at 2020 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Martes. Sa suertres, isama mo sa No. 4 at No. 8 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-711-19-23-25-34-36-40-42.

ASSET tips; 4-7-6/ 72-5/ 2-5-1. Wiretips: 6-72/ 1-2-5/ 7-2-3. Double digit; 4-8/1-5/ 8-2/ 1-3. Luzon guide; 2-6-11-1922-29-34-36-40-42. Vis-Min: 2-6-11-19-23-28-3436-40-42. MegaLotto: 3-611-19-22-34-36-40-42. Grand Lotto: 1-14-2-2434-37-40-46-50-54. Four Number: 6-7-2-4/ 7-8-21/2-4-7-2.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.