MINDANAO NIYANIG NG MAGNITUDE-South 7. 2 LINDOL

Establismento, gusali nabitak, bumigay Lima nasugatan South Cotabato napuruhan

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - Ni John Roson

HINDI bababa sa lima katao ang nasugatan at maraming istruktura ang napinsala nang yanigin ng magnitude7.2 na lindol ang iba-ibang bahagi ng Mindanao Sabado ng umaga, ayon sa mga awtoridad.

Dahil din sa malakas na lindol na naganap alas-4:23 malapit sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental, naglabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tsunami warning.

Binalaan ng Phivolcs ang mga residente at turista na lumayo sa mga baybaying nakatapat sa Celebes Sea mula alas-4:28 hanggang 5:23 ng umaga, dahil sa posibileng pagkakaroon ng malalaking alon na dulot ng lindol.

Binawi ng ahensiya ang babala ilang minuto bago mag-alas 7 ng umaga, dahil nakalipas na umano ang banta ng tsunami at 10-sentimetrong alon lang ang namonitor.

Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 5 sa General Santos City; Koronadal City, South Cotabato; mga bayan ng Santa Maria, Jose Abad Santos, at Don Marcelino, pati na sa Balut Island ng Davao Occidental; Polomolok at Tupi, South Cotabato; mga bayan ng Alabel, Malapatan, at Glan sa lalawigan ng Sarangani; at sa Palimbang, Sultan Kudarat.

Sa General Santos City, nagtamo ng bahagyang pinsala ang city hall at ilang establisimyento, sabi ni Joriemae Balmediano, information officer ng Office of Civil Defense-12, nang kapanayamin sa telepono.

Sa Glan, isinugod sa ospital ang mga residenteng sina Edilberto Corporal, 53; Beverly Dala, 16; at Leopoldo Ramolo, 56, dahil sa bahagyang pinsalang tinamo, sabi naman ni Supt. Romeo Galgo, tagapagsalita ng Central Mindanao regional police.Nagkaroon ng mga bitak at lumubog pa ng tatlo hanggang anim na pulgada ang gusali ng Philippine Ports Authority sa Glan, kaya di muna gagamitin hangga’t di naipapaayos, ani Galgo.

Dahil din sa lindol, nagtamo ng mga bitak ang Glan Community Medicare Hospital, police station, at public market, habang di bababa sa tatlong bahay ang napinsala, aniya.

Sa Brgy. Calabanit, nabuwal ang stockpile ng mga kaha ng softdrinks sa isang Pepsi warehouse. Nagiwan ito ng di pa mabatid na halaga ng pinsala sa mga produkto at mga delivery vehicle, ani Galgo.

Napinsala rin ang municipal hospital ng bayan ng Maitum at isang bahay sa Malapatan, habang ang Malungon ay dumanas ng power interruption matapos ang lindol, ani Balmediano.

Dalawa pang tao ang nasugatan sa Lake Sebu, South Cotabato, aniya.

Nagsasagawa pa ng damage assessment ang mga lokal na awtoridad Sabado ng hapon, at inaasahang makapagbibigay ng mas marami pang detalye sa sinapit ng kani-kanilang mga lugar, ani Balmediano.

Samantala, isinailalim ang OCD-12 sa “red alert” para agad makapagbigay ayuda kung kailan at saan kinakailangan, aniya.

Naramdaman ang lindol sa Intensity 4 sa Davao City, Cotabato City, at Zamboanga City; Intensity 3 sa Cagayan de Oro City; at Intensity 2 sa Kidapawan City, North Cotabato, ayon sa Phivolcs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.