Kathniel fan nagiiyak, nag-panic nang makita sina Daniel at Kathryn sa Japan

Pinaghintay talaga sa pedestrian para lang mag-selfie

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

Super elated ang isang fan sa sweet gesture nina Daniel Padila at Kathryn Bernardo nang makita niya ang dalawa sa Japan.

Teary-eyed ang fan dahil talagang nag-effort si Daniel na kumuha ng selfie photo niya. At talagang hinintay pa ng actor ang fan.

“Guess who I found in Shibuya!! After waiting for them in Shibuya crossing I told Madame Admin Im gonna move to Underarmor. Baka andun. Kaso closed na. I walked a bit. And across the street a familiar face (kath’s). Leather and Denim Jacket. Isa lang ang kilala kong nakashades kahit madilim. I shouted ‘Kath’!

“Lumingon sya. I jumped and waved. I started tearing up. Tapos they were supposed to walk na, two guys were waiting for them. But when DJ saw me crying he gestured at them to wait. They stood there, magkaakbay infront of Matsumoto Kiyoshi. Patiently waiting. I couldnt cross the street. Walk sign was red.

“Im crying, shaking, in panic. DJ and Kath were looking at me all smiles. Natatawa siguro sila kase naiyak ako. Sumenyas si Dj, ‘Halika na’. Me: ‘Pula pa!’ Nagsigawan sa pedestrian. Longest wait of my life. As I approach them I recorded this short vid. I kind of wish I did right away (but i was crying, lutang) Para malaman nyo kung gano sila katagal naghintay. Ibang Klase.

“Sino ba ako para hintayin. (Im crying again) Dj offered to take a pic. ‘Ako Na’. I apologized for invading their privacy & greeted Dj a happy birthday. We chatted for a bit about #FordaLoveSquad BS (forgot to mention na hindi ko napuntahan dahil andito ako), my lucky blouse (d one im wearing now, same blouse i was wearing when i first met them and when i gate crashed the push by @bjpascual book launch) I hugged them and kissed them goodbye.

“Ang sarap nyong mahalin. Ibang klase!! I will go down in history as the girl who made KN wait in Shibuya. Chos! BEST DAY EVER!! I love you @bernardokath @supremo_dp. Maraming Salamat. Miss na Miss ko Kayo. Siguro madaming beses ko na tong sinabi. Tama si Tita Karla Estrada, ‘Hindi tayo nagkamali na sila ang piliing mahalin!’”

‘Yan ang say ng fan ni Daniel at Kathryn na ang latest movie na “Can’t Help Falling In Love” ay umabot na sa more than P200 million ang kinita sa box-office.

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.