Stylist ni Maine inaway ng AlDub loyalists: Palitan na yan!

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY ALEX BROSAS

BASAG na basag si Maine Mendoza sa comments sa kanya dahil sa suot niyang denim sa isang event.

Ang daming nakapuna na hindi bagay sa kanya ang kanyang outfit. For them, nagmukha siyang losyang at walang celebrity value.

“Talagang may galit dito ang mga stylist nya. Denim and diamonds pero bakit parang dukha ang dating ng outfit?”

“Parang yung makeup artists at stylists nya sa DTBY eh parang may galit din. Pangit ang makeup at suot pero maganda ang kina Koreen and Thea.”

“Fire the stylist! Lagi na lang nyang ginagawa yan kay Meng. Traydor ata yan e!”

“Di naman kasi nilinaw kaya yan nagsuot ng retaso. At least may diamond choker. #fashionvictim.”

“Di ko alam pano nya napagtanto na that outfit works? kahit may stylist pa siguro naman kung ganyan kapanget pwede humindi di ba?”

“Jusko anong klaseng porma yan? Trying hard to be a fashionista.”

‘Yan ang mga hanash nila sa outfit ng ka-love team ni Alden Richards.

We felt that Maine’s dress did not suit her well. Hindi maganda ang kanyang aura sa damit niyang iyon.

MAINE MENDOZA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.