Andi nagpakumbaba na, pwede nang makipagkasundo kay Jake para sa anak

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

Sa mga nagaganap ngayon sa pagitan nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann ay hindi malayo ang posibilidad na matapos ang kanilang pinagtatalunang joint custody nang paupo at hindi na patayo.

Dahil hindi na umaatake si Andi ay puwedeng makipagkita na lang sa kanya sa gitna ang kampo ni Jake pag-usapan ang mas makabubuti para sa kanilang anak na si Ellie, na hindi na kailangan pang ihusgado ang usapin.

Puwede namang magpirmahan na lang sila, legal pa rin ang proseso, pero hindi na magagastu abogado si Andi na tulad ng kanyang sigaw kamakailan lang.

Wala naman kasing mawawala sa atin kung magbababa tayo ng pride. Sabi nga ay hindi lang naman laway ang nilulunok, ang pride din, para sa ikagaganda ng sitwasyon.

Wala namang mawawala kay Andi, anak niya pa rin si Ellie, kaya lang ay magiging pormal na ang panghihiram sa bata ni Jake.

Walang magbabago sa pagiging ina ni Andi, magputukan man ang lahat ng bulkan sa buong mundo ay siya pa rin ang ina ng bata, kaya lang ay kailangan niya ring respetuhin ang pagiging ama ni Jake.

Kung sinuman ang kumausap kay Andi para magpakumbaba na at i-deactivate ang kanyang Twitter account ay maraming salamat. Pinaigsi nito ang giyerang kinapapalooban ni Andi.

Walang mananalo at matatalo sa kanila ni Jake sa proseso ng kanilang hidwaan, ang kanilang anak na si Ellie ang magsusunong ng kahihiyan, para sa bata ay kailangan nilang magkasundo sa ayaw nila’t sa gusto.

ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.