Dami ko allergy! Ikaw? (2)

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - Ni Leifbilly Begas

HASSLE kung nasa bakasyon ka, rumarampa sa beach o sa Baguio, ay bigla kang tinamaan ng allergy.

Mapapaisip ka kaagad kung ano ang iyong nakain at tinubuan ka ng mga pantal sa katawan. May mga tao na may allergy sa seafood, nuts at kung anu-ano pang pagkain kaya naman bad trip talaga.

Perk isipin mo na lang kung mayroon kang kakaibang allergy gaya ng isinulat ni Ash Grant sa TopTenz.

Halik

Sa dami naman ng allergy sa halik pa.

Literal na hindi maaaring madapuan ng halik ang mga taong may allergic reaction sa kiss.

Paano na lang sa kanilang kasal, walang “You may kiss the bride” moment?

Hindi naman umano nangangahulugan na ang allergy ay sa labi o laway o dila ng kahalikan. Maaari umano na ang taong may allergy ay mayroong severe food o medical allergy at ang paghalik ang nagiging daan upang ma-trigger ang allergy.

Dahil sa close contact, maaaring ang laway ng kahalikan ay mayroong food particle o medicine particle na naipapasa nito sa taong may allergy.

Computers

Sa panahon ngayon, sinasabi nila na para kang nasa kuweba kung hindi ka marunong gumamit ng computer.

Ang mga bata nga ngayon ay parang ipinanganak na mayroon ng alam sa computer. Sila pa ang nagtuturo sa mga matatanda.

Kaya kawawa naman ang mga tao na may allergy sa computer o Electromagnetic Hypersensitivity.

Mayroong mga computer user na nagkaroon ng nasal congestion, nababahing, nangangati at sumasakit ang ulo kapag gumagamit ng computer.

Sa isinagawang pagaaral, ang computer monitors at iba pang bahagi ng computer ay mayroong kemikal na tinatawag na triphenyl phosphate. Ang kemikal ay isang flame retardant.

Ang lebel ng kemikal na ito sa isang gamit ay bumababa sa paglipas ng panahon. So baka pag obsolete na yung computer baka mababa na yung triphenyl phosphate pwede ng gamitin ng may mga Electromagnetic Hypersensitivity.

Ehersisyo

Akala ko dati, joke lang ‘yung allergic sa exercise. Talaga pa lang may ganun. May mga tao talaga na mayroong exercise allergy at sa pag-aaral mayroon lamang 1,000 tao na may ganito sa mundo.

Ang kondisyong ito ay tinatawag na exercise-induced anaphylaxis.

Ang allergy na ito ay natutukoy lamang kung ang isang tao ay kumain halimbawa ng mani tapos nag-exercise at nagkaroon ng allergy.

Kung kakain lang siya ng mani, hindi siya magkakaroon ng allergy.

Pero kung kumain siya ng mani at nag-exercise, siya magkaka-allergy.

Ang kalimitang epekto ng allergy na ito ay pagkahilo hanggang sa mawalan ng malay, pagsusuka at hindi makahinga.

Lamig

Ang init-init ngayon sa Pilipinas kaya ang hirit ng iba, dapat ipa-aircon na ang buong bansa.

Maraming Pilipino ang umaalis sa bansa para makaranas ng malamig na klima.

Pero hindi ang mga taong allergic sa lamig o may Familial Cold Autoinflammatory Syndrome o cold urticaria.

Kapag malamig ang panahon at ang isang tao ay may urticaria, ang kanyang katawan ay maglalabas ng histamine sa balat na magdudulot ng pangangati, pamamantal, pamumula at pamamaga.

Ang kondisyong ito ay lubhang mapanganib lalo na kung hindi alam ng isang tao ang kanyang kalagayan.

Kapag halimbawa biglang lumusong sa malamig na pool o naligo ng malamig na tubig, ang kanyang katawan ay maaaring mabigla.

Araw

May mga tao na hindi kayang tumagal sa init ng araw, pero meron namang nagbibilad ng katawan sa beach. ‘Yung iba nagpapakasunog pa.

Kung may mga tao na ayaw maarawan, huwag n’yo naman sila agad na husgahan na ayaw mangitim o kalahi nila si Dracula, baka kasi sila ay mayroon lang allergy sa araw.

Ang tawag sa allergy na ito ay Erythropoietic Protoporphyria.

Mayroong 300 kaso ng Erythropoietic Protoporphyria o sa medical term ay solar urticaria.

Kapag naarawan, ang immune system ng mga taong may ganitong kalagayan ay nag-a-activate ng inflammatory cell na nasa balat.

Kailangang maglagay ng sun block ang mga taong may ganitong kondisyon at magsuot ng damit na gawa sa espesyal na tela kung hindi nila maiiwasan na maarawan.

Tubig

Kung mayroong allergic sa araw, meron ding may allergy sa tubig.

Tinatawag itong aquagenic urticaria.

Isa sa bawat 23 milyong tao sa mundo ang mayroong ganitong kondisyon.

Ang allergy na ito ay hindi naman nangangahulugan na hindi ka maaaring uminom ng tubig. Makakainom ka ng tubig pero kailangan ay distilled.

Sinasabi na sensitive ang katawan ng mga taong ito sa ion na matatagpuan sa mga hindi distilled na tubig kaya pinag-iingat sila sa pag-inom ng mga juice, tsaa o kape.

Ang mga ganitong tao ay allergic sa pawis at luha kaya bawal silang paiyakin.

Pahirapan din ang kanilang paliligo dahil hindi lang mineral water ang kanilang ipinaliligo kundi distilled water na mas mahal pa sa diesel at gasolina.

HA LIK

LAMIG

COMPU T ERS

EHERSISYO

ARAW

TUBIG

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.