Sinkhole sa gitna ng ilog nadiskubre

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

CEBU CITY — Nadiskubre kahapon ng umaga ang isang sinkhole sa gitna ng ilog sa Brgy. Taytay, Badian.

Ayon kay PO1 Rodjie Alicaway ng Badian police station, agad silang rumesponde sa tawag ng residente ukol sa sinkhole sa ilog.

Sinabi ni Alicaway na may luwag na dalawang metro ang butas pero di pa madetermina ang lalim.

“We tried to insert a 20meter long bamboo into the sinkhole and yet it failed to touch the bottom of the hole. It must be very deep,” ayon kay Alicaway.

Agad naman nilang ipinagbigay-alam ang nadiskubre kay Mayor Carmencita Lumain.

Binakuran naman ang lugar ng mga otoridad upang walang mapahamak na tao at hayop.

“We’re afraid that there might be those who will fall into the hole,” dagdag ni Alicaway.

Kadalasan ay nalilikha ang mga sinkhole kapag may lindol o malakas na ulan.

Noong 2015, apat na sinkhole ang nadiskubre sa Badian matapos manalasa ang bagyong Seniang. — Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.