Alamin ang takbo ng love life, pera at trabaho sa Horoscope ni Madam Sophia

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

Para sa may kaarawan ngayon: Mayo na bukas at sa panahong ito, magtutuloy-tuloy na ang magandang kapalara lalo na sa pinansyal at pag-ibig. Ang mahalaga pagdating ng Mayo, lagi kang magsuot ng kulay na red at laging amoy bagong paligo. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 35 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Bukod sa red buenas din ang violet. Aries – (Marso 21-April 19) — Sa panahon ngayon, makakabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang swimming. Lucky perfume: Cinnamon. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas. Taurus – (April 20-May 20) — Buwan ng Mayo na bukas! Upang suwertehin sa pag-ibig at materyal na bagay, sa unang patak ng ulan sa Mayo, maligo ka. Lucky perfume: Amber. Mapalad ang 7, 18, 29, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel”. Green at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Upang masagap ang magandang kapalaran kapag muling bumuhos ang ulan magtanim ng gulay sa likod bahay. Sa pag-ibig, kung bubuhos ang unang ulan sa buwan ng Mayo sabay kayong maligo ng minamahal. Lucky perfume: Cloves. Mapalad ang 5, 14, 32, 34, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” White at gray ang buenas. Cancer – (June 22- July 22) — Upang mas makatipid at makapag-save ng pera, ngayon pa lang mamili ka na ng mga gamit para sa nalalapit na pasukan. Sa pag-ibig, sa maagang pagshashopping wag kakalimutang ibili ang kasuyo ng kulay green na t-shirt. Lucky perfume: Violets. Mapalad ang 6, 15, 24, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Apple green at pink ang buenas. Leo – (July 23 – August 22) — Isang Aries ang magdadala ng bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, isang Sagittarius ang kikiliti sa iyong damdamin. Lucky perfume: Lemon. Mapalad ang 3, 12, 15, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 8, 10, 28, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Kapor-Om.” Yellow at silver ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22) — Bilis ang susi upang yumaman! Sa pag-ibig, positibo ang magaganap kung magpaparamdam ka agad ng pag-ibig sa iyong minamahal. Lucky perfume: Jasmine. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “AumAgiel-Yophiel-Om”. Lilac at gold ang buenas. Libra – (September 23-October 23) — Iwasang pagmayabangan ang kasuyo lalo na’t gagawin mo ang isang bagay na hindi mo naman kaya - relaks lang sa romansa. Sa pinansyal, hindi dapat gumastos ng malaking halaga sa pakikipag-date, simpleng date lang ang dapat. Lucky perfume: Versace. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21) — Sunod lang ng sunod sa mga nakatataas. Sa ganyang paraan mas malaki ang kikitain mo at makukumisyon. Sa pag-ibig, ipaliwanag sa kasuyo na sa panahon ngayon mas mahalaga pa rin ang salapi kaysa sa prinsipyo. Lucky perfume: Musk. Mapalad ang 2, 9, 23, 27, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-KaDab-Bra.” Beige at lilac ang buenas. Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa darating na Flores de Mayo, habang nagpo-prosisyon makikilala mo na siya – isang Aries na noon pa sa iyo humahanga. Lucky perfume: Charlie. Mapalad ang 3, 12, 18, 27, 38 at 48. Mahiwaga mong mantra: “ElohimAdonai-Shaddai.” Red at pink ang buenas. Capricorn – (December 22 – January 19) — Pagpasok na pagpasok ng buwan ng Mayo mag-invest sa mga kalakal na may kaugnayan sa agrikultura upang tuluy-tuloy kang umasenso at sumagana. Sa pag-ibig, wag nang mag-isip na palitan ang kasuyo, okey na siya kaysa sa wala. Lucky perfume: Sandal. Mapalad ang 6, 9, 18, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at maroon ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pinansyal, makihalubilo sa lipunan, sa isang pagtitipon, may magandang kapalarang mapupulot. Sa pag-ibig, balikan ang isang dating kaibigang matagal ka ng hinihintay. Lucky perfume: Camphor. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Kastha.” Brown at gray ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Muling patatagin ang gumegewang na relasyon! Balikan ang mga lugar na una nyong pinag-date(tan). Sa pinansiyal, higit na mas mahalaga ang isang tunay at wagas na pag-ibig kaysa sa limpak-limpak na salapi. Lucky perfume: Currants. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Miraculum.” Old rose at green ang buenas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.