Honeylet ipinasyal, inaliw asawa ng Asean leaders

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

IBINIDA ni Honeylet Avanceña, partner ni Pangulong Duterte, sa mga maybahay ng mga lider ng Association of South East Asian Nations (Asean) ang kultura ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtungo sa National Museum sa Maynila.

Ipinakita ni Avanceña sa mga Asean leaders’ spouses ang mga obra maestra ng mga kilalang alagad ng sining ng bansa tulad ng mural na Spoliarium ni Juan Luna.

Nagtanghal din para sa mga ito ang Pangkat Kawayan, Kalilayan Folkloric Group at mga Voice Kids na sina Darlene Vibares at Reynan del Anay.

Ipinagmalaki rin sa mga bisita ang mga kakaiba at magagandang tela mula sa South Cotabato.

Ipinatikim din sa mga ito ang pagkaing Pinoy tulad ng mga inihain sa pananghalian. Kabilang dito ang kesong puti, mga lokal na gulay at prutas, partikular ang mangga at ube, at mga kakanin.

Samantala, sa siyam na ASEAN leaders’ spouses ay lima lamang ang nakapunta sa National Museum bukod kay Avanceña. — Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.