Sikretong selda aprub kay Bato pero...

Bandera (Visayas) - - NEWS -

WALANG nakikitang masama si Philippine National Police chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagkulong sa 12 katao sa sikretong selda sa Manila Police District station 1.

Noong Biyernes ng hapon ay binisita ni dela Rosa ang presinto pero imbes na kastuguhin ang mga tauhan ay tila ipinagtanggol pa ang mga ito.

Giit niya, pabor siyang maikulong ang mga suspek doon pero huwag lamang kikikilan o pahihirapan.

“As long as the prisoners were not tortured or extorted, it’s okay with me,” aniya sa mga mamamahayag.

Matatandaang nadiskubre ng mga tauhan ng Commission on Human Rights ang siyam na lalaki at tatlong babae sa makipot na kulungan sa likod ng aparador ng Drug Enforcement Unit ng nasabing istasyon.

Agad namang sinibak ang hepe ng Station 1 at ang mga tauhan ng DEU sa gitna ng isasagawang imbestigasyon.

Ayon sa mga detainees, na nahuli sa kasong drugs, isang linggo na umano silang nakapiit doon at hinihingan ng malaking halaga kapalit ng kanilang kalayaan.

Agad ding itinanggi ni dela Rosa ang mga alegasyon at inakusahan ang CHR na ipinapahiya lamang ang pamahalaan. — Inquirer.net

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.