Parak pinalaya ng NPA

Bandera (Visayas) - - NEWS -

PINAKAWALAN kamakailan ng New People’s Army (NPA) ang pulis na kanilang binihag sa loob ng mahigit dalawang buwan sa Bukidnon.

Ayon sa ulat, nasa mabuting kalagayan si PO2 Gerome Anthony Natividad na pinalaya ng mga rebelde sa Brgy. Dominorog, Talakag.

Dinukot si Natividad noong Pebrero 9 sa Brgy. Tikalaan sa nasabing bayan.

Matatandaang sinabi ng NPA na pakakawalan lamang nila si Natividad sa oras na ihinto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang mga operasyon laban sa kanila.

Hindi pumayag ng 4th Infantry Division sa hinihinging kondisyon ng NPA, ngunit nakumbinse sila ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno at nagpatupad ng stand-down sa loob ng anim na araw. Naganap ang pagpapalaya kay Natividad sa kabila ng pagkalagas ng dalawang miyembro ng NPA sa pagatakeng naganap sa base ng militar sa Cateel, Davao Oriental. Ayon sa NPA subregional command sa Compostela Valley, dalawang miyembro nila ang namatay sa pagatake. — Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.