Maine planong magtampisaw sa Maldives, isama kaya si Alden?

Bandera (Visayas) - - NEWS -

MALDIVES ang target ni Maine Mendoza na pagbakasyunan pagkatapos ng series nila ni Alden Richards na Destined To Be Yours at bago magsimula ang shooting ng bago nilang pelikula.

Ito ang pahayag ni Meng sa interview sa kanya ni Lhar Santiago sa post birthday celebration na ibinigay sa kanya ng AlDub fans last Thursday sa Manila Hotel.

Bitin nga lang ang pahayag ng Phenomenal Star kung sino ang gusto niyang makasama sa biyahe.

“Mga mahal ko…ang pamilya ko at kaibigan!” tugon niya sa tanong.

Last year kasi, sinorpresa siya ni Alden nang dalhin siya pati ilang kaibigan sa Boracay via private plane. Very memorable ang selebrasyon niyang ‘yon lalo na sa fans nilang sobrang mahal na mahal sila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.