KIM, GERALD PAYAG MAKASAMA SI MAJA SA TELESERYE AT PELIKULA

Galing kay Xian ang 'best b-day gift' na natanggap ni Kim

Bandera (Visayas) - - NEWS - BY REGGEE BONOAN

OPEN sina Kim Chiu at Gerald Anderson na gumawa ng project kasama si Maja Salvador.

Ito ang diretsong sinabi ng dating magkarelasyon sa nakaraang presscon ng bago nilang serye na Ikaw Lang Ang Iibigin na mapapanood na ngayong Lunes, Mayo 1.

Ayon kay Kim, “Okay lang naman, kahit sino kasi pareho lang naman kaming artista, eh.” Singit naman ni Gerald, “Blessing pa rin iyon.”

Hindi na nasundan ang tanong tungkol kay Maja na exgirlfriend din ni Ge dahil pinutol na ni Biboy Arboleda ang interview portion dahil hindi naman daw kasama sa show ang bida ng seryeng Wildflower.

Samantala, hanggang ngayon pala ay sinasabi ni Gerald na dahil kay Kim kaya siya sumikat dahil sa tambalan nilang KimErald na nagsimula sa Pinoy Big Brother Teen Edition (2006).

Parating binabanggit ng binatang aktor na maraming nagbago sa buhay niya simula nang lumuwas siya mula sa General Santos City at sumali ng PBB at naipartner nga kay Kim na tinanggap naman ng mga manonood.

Sabi nga ng dalaga, “Ganyan po siya (Gerald) talaga, mahilig mag-reminisce, pati pagpirma sa magazine, may naaalala siya na rati kasi ganu’n siya.”

Hirit naman ng aktor, “Siyempre, hindi mo dapat kalimutan kung saan ka nanggaling.”

At dahil ang ganda na ng batuhan ng KimErald dahil wala na talagang ilangan sa kanila ay panay-panay na ang biro ng aktres sa kaloveteam, “Kaya ko palang maging funny kaya tinotodo ko na,” say ng dalaga.

Sa tanong kay Gerald kung ano ang regalo niya kay Kim sa nakaraang birthday nito, “Support and extra-energy,” na ikinatawa ng mga reporter na nag-i-interview sa magkaloveteam.

Humirit pa si Kim ng, “Funny ka, ha?” Sagot naman ni Ge, “Nahawa ako at saka hindi naman niya kailangan (ng regalo).”

Ano ang best birthday gift na natanggap ni Kim ngayong taon, “Letter, long letter galing kay Xian (Lim).” Dito ay dedma na si Gerald.

Anyway, ngayong Lunes na magsisimula ang Ikaw Lang Ang Iibigin sa Channel 2 bago mag-It’s Showtime mula sa Dreamscape Entertainment.

GERALD ANDERSON AT KIM CHIU

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.