Tara, Pancit Palabok tayo!

Bandera (Visayas) - - NEWS -

KAHIT saang kanto ay may tindang pancit palabok na mabibili sa halagang hanggang P20 kaya maiisip mo tuloy ay kung ano ang saysay ng resipi na ito. Mayroon. Alam mo ba kung paano niluto ang pansit na inilalako? Malinis kaya ang hipon? Double dead ba ang baboy? Anong klaseng tubig kaya ang ginamit sa pagluluto ng itlog?

Kung hindi ka sigurado sa mga sagot, bakit hindi mo subukin na magluto ng pancit palabok na hindi ka kakabahan na ipakain sa iyong pamilya? Sangkap 1 pakete ng pancit bihon Para sa sauce: 2 kutsara ng mantika 1/4 kilo ng giniling 3 kutsarita ng pinagbabaran ng buto ng achuete

3 tasa ng sabaw ng pinagpakuluan ng baboy

1 piraso ng shrimp cube

6 kutsara ng all-purpose flour 2 kutsara ng patis 1/2 kutsarita ng pamintang durog Para sa toppings: 1 tasa ng nilagang baboy, hiniwa nang manipis

2 piraso ng prinitong tokwa, kinuwadrado

½ tasa ng hinimay na tinapa

½ tasa ng dinurog na chicharon

2 hard boiled na itlog, hiniwa

½ tasa ng hipon, pinakuluan

1/4 tasa ng sibuyas Tagalog, hiniwa nang maliliit

3 kutsara ng prinitong bawang

8 piraso ng kalamansi Paggawa

Ibabad ang pansit sa loob ng 15 minuto. Patiktikin ang tubig at itabi.

Sa mainit na kawali, ilagay ang mantika saka iluto ang giniling hanggang pitong minuto.

Ihalo ang sabaw ng achuete sa pinaglagaan ng baboy saka ibuhos sa kawali. Pakuluin.

Idagdag ang shrimp cube,haluinat pabayaang kumulo hanggang tatlong minuto.

Unti-unting ilagay sng arina habang hinahalo. Ibuhos ang patis bago ilagay ang paminta. Pakuluin hanggang lumapot ang sabaw. Itabi.

Magpakulo ng tubig sa kasirola saka ilagay ang pansit hanggang maluto. Huwag pabayaang lumabsa.

Tanggalin ang pansit at patiktikin.

Ilagay sa serving tray bago ibuhos ang sarsa at ang mga toppings sa ibabaw.

Ihanda katabi ang mga kalamansi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.