8 at 1 ang mahiwaga

Bandera (Visayas) - - NEWS -

Dear David,

LAGI akong nagbabasa ng kolum mo at ikatlong sulat ko na ito. Hindi ako nagsasawang magtangka na mabasa mo ito kasi’y talagang nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 26, 1970.

May apat akong anak na nag-aaral. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Utility worker lang ako sa isang pribadong kompanya. May maliit na sari-sari store ang misis ko. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto.

REYNALDO NG ILIGAN CITY

Dear Reynaldo,

NUMBER eight (8) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Sun ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay itim at dilaw ang buwenas mo.

Konsentrasyon, disiplina at malinaw na plano sa buhay ang susi sa iyong pagtatagumpay. May kakaiba kang suwerte na wala sa ordinaryong tao. Pero, kailangang makalmante at mapanatag ka palagi upang makapagdesisyon nang maayos na magiging pundasyon sa iyong pagtatagumpay. May isang tao ang magaalok sa iyo ng trabaho na magpapabago ng takbo ng iyong buhay. May kaugnayan ito sa agribusiness. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2017, 2019 at 2021 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 7, 12, 15, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkules at Biyernes. Kulay itim at dilaw ang buwenas mo.

ASSET tips; 5-7-4/1-58/8-2-7. Wiretips: 3-2-5/ 7-3-6/7-8-6. Double digit: 2-6/3-7/1-6. Luzon guide: 2-6-11-19-23-27-34-37-4042. VisMin: 3-6-11-18-2327-34-36-40-42. MegaLotto: 3-6-11-19-23-24-34-3640-42. Grand Lotto: 1-5-1118-23-25-34-37-45-48-5054. Four Number: 2-1-3-6/ 7-2-1-4/7-8-2-1.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.