Malungkot ang nag-iisa

Bandera (Visayas) - - NEWS -

Sulat mula kay Tina ng Banate, Malungon, Sarangani Province Dear Sir Greenfield

Nakakalungkot po ang buhay ko kung iisipin, kasi tatlo kaming magkakapatid na puro babae, tapos ako ang panganay. Maagang nawala ang tatay ko kaya napilitan akong magworking student at pagkatapos ay pinag-aral ko sa college ang mga kapatid ko. Nang makatapos na sila ng pag-aaral, nagsipag-asawa na sila at nagkaroon ng kanyakanyang pamilya habang ako naman ay nanatiling dalaga. Nalibang siguro ako sa pagtuturo kaya nadatnan ko na lang na matanda na ako sa edad na 41 na sa ngayon. Gusto ko sanang mag-asawa at magkaroonng makakasama, kasi ngayon ko nararamdaman ang sobrang lungkot na mag-isa. Sa palagay nyo Sir Greenfield makapag-aasawa pa kaya ako? Kung Oo, kailan kaya at kapag ako nakapag-asawa magkaka-anak pa kaya ako? June 30, 1975 ang birthday ko.

Umaasa,

Tina ng Sarangani

Province Solusyon/Analysis: Palmistry:

Buti na lang at may namataang kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na hindi ka dapat mainip, dahil kahit na 41 ang iyong edad sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, tiyak ang magaganap, magkaka-boyfriend ka rin sa wakas at maluwalhating makapag-aasawa. Cartomancy:

Jack of Clubs, Nine of Hearts at Queen of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ng Setyembre sa taon ding ito 2017, magkaka-boyfriend ka na hatid ng isang lalaking halos kasing edad mo rin o kaya’y medyo mas bata sa iyo.

Itutuloy...

MAGPAHULA na. Ipadala ang Xerox copy ng inyong kanang palad at bumunot ng tatlong uri ng baraha. Banggitin sa sulat ang nabunot na tatlong baraha. Lakipan ito ng Bandera logo with date at ipadala sa Super Horoscope, Bandera, MRP bldg. Mola st., corner Pasong Tirad st., Makati City, Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.