CELTICS, WIZARDS PASOK SA SEMIS

Bandera (Visayas) - - NEWS -

CHICAGO — Umiskor si Avery Bradley ng 23 puntos para sa Boston Celtics na ginulpi ang Chicago Bulls, 105-83, at tinapos ang kanilang NBA Eastern Conference firstround series, 4-2, kahapon.

Uminit ang outside shooting ng top-seeded Celtics para ilampaso ang Chicago at tapusin ang kanilang maigiting sa serye para umusad sa playoffs sa unang pagkakataon magmula noong 2012. Nagawang bumangon ng Boston matapos ihulog ang unang dalawang laro sa kanilang homecourt at makakaharap nila ang Washington Wizards sa Eastern Conference semifinals. Ang Game 1 ng kanilang serye ay magsisimula bukas.

Si Bradley ay nagtapos na kapos ng isang puntos para tapatan ang playoff career high na itinala niya noong Game 5. Naghulog siya ng tatlong 3-pointers at tumira ang Celtics ng 16 of 39 mula sa long range.

Gumawa si Gerald Green ng 16 puntos habang si Isaiah Thomas ay nagdagdag ng 12 puntos bago tumungo ng Washington state para dumalo sa libing ng kanyang kapatid na babae na si Chyna, na ang kamatayan mula sa isang aksidente bago ang kanilang playoff opener ay nagbigay ng matinding pasakit para sa Celtics. Subalit nagawang makabangon ng Boston sa likod ng kanilang star player para mapagwagian ang kanilang serye.

Pinamunuan ni Jimmy Butler ang Chicago sa ginawang 23 puntos. Wizards 115, Hawks 99

Sa Atlanta, kumamada si John Wall ng playoff career-high 42 puntos habang si Bradley Beal ay nagdagdag ng 31 puntos para sa Washington Wizards na napigilan ang pagratsada ng Atlanta Hawks at manalo sa kanilang opening-round playoff series, 4-2.

Makakasagupa ng Wizards ang top-seeded Boston sa Eastern Conference semifinals.

Pinangunahan ni Paul Millsap ang Hawks sa itinalang 31 puntos habang si Dennis Schroder ay nagdagdag ng 26 puntos. Clippers 98, Jazz 93 Sa Salt Lake City, kumana si Chris Paul ng 29 puntos para sa Los Angeles Clippers na nakapuwersa ng Game 7 sa kanilang Western Conference first-round series kontra Utah Jazz.

Iho-host ng Clippers ang do-or-die game ng kanilang serye bukas kung saan ang magwawagi ay makakatapat ang Golden State Warriors.

Pinamunuan ni Gordon Hayward ang Jazz sa ginawang 31 puntos, si George Hill ay nag-ambag ng 22 puntos at si Rudy Gobert ay may 15 puntos.

WALANG takot na sumalaksak si Chicago Bulls swingman Jimmy Butler (kaliwa) laban sa depensa ni Boston Celtics center Al Horford sa Game 6 ng kanilang NBA first-round playof f series kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.