200 entries lalahok sa 2017 World Pitmasters Cup

Bandera (Visayas) - - NEWS -

SINA Butch Cambra (Hawaii), Peter Elm (Guam), Christian Staskow at Chris Castillo (Hawaii), Phil Snead (Tennessee), Kelly Everly (Kentucky) at ang kasalukuyang kampeon na si Bruce Brown ang ilan sa mga dayuhan na dumating para lumahok sa pinakahihintay na 2017 World Pitmasters Cup-2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby na gaganapin sa Mayo 14, 15, 16, 17, 19 at 20 sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.

Maliban sa P15 milyon na garantisadong premyo, isang bagong Strada GL 4x2 M/T pickup truck ang makakamit ng handler ng magkakampeon na lahok. Ang entry fee ay P88,000, samantalang ang minimum bet ay P55,000.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea ang pangdaigdigang labanan na ito ay inaasistehan nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Sa kapahintulutan ng Games and Amusements Board, ang makasaysayang labanan ng mga tinale ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Lahat ng sasali ay bibigyan ng libreng hotel room at parking slot sa mga araw ng laban at commemorative trophy na disenyo ni Eduardo Castrillo mula naman sa Thunderbird Bexan XP.

Ang 2017 World Pitmasters Cup-2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby ay magsisimula sa Mayo 14, Linggo, para sa unang set ng 2-cock elims at susundan ng isa pang 2-cock elims sa Mayo 15, Lunes.

Ang unang 3-cock semifinals ay sa Mayo 16 (0-2 puntos) habang ang second set ay sa Mayo 17 (0-2 puntos). SAN Jose de Buenavista, Antique — Muling dinomina ng National Capital Region ang elementary at secondary division upang tanghaling overall champion sa 60th Palarong Pambansa kung saan nagtala ng natatanging record ang swimmer nito na si Maurice Sacho Ilustre.

Sa ikaapat na taong paglalahok ni Ilustre sa taunang Palaro ay nanalo siya ng gintong medalya sa pitong swimming event.

Humakot ang NCR ng 32-21-19 (ginto-pilaktanso) sa elementary division habang 66-45-26 sa secondary division upang angkinin ang double championships.

Tatlong bagong record naman ang idinagdag ng 15-anyos mula Muntinlupa City na si Ilustre sa kanyang mahabang listahan ng mga itinalang record sa taunang Palaro upang kumpletuhin ang perpekto nitong paglangoy sa pitong sinasalihang event sapul noong 2014.

“Masayang-masaya po dahil kahit papaano ay makakapag-iwan ako ng standard sa Palaro,” sabi ng isa sa mga tinanghal na Most Outstanding Athlete sa Palaro na estudyante mula sa De La Salle-Zobel School na si Ilustre na tatlong sunod na taon na kinilala bilang best swimmer sa multi-sports event at kasalukuyang UAAP Most Valuable Player.

Unang nagtala ng perpektong paglangoy si Ilustre noong 2014 kung saan nagwagi ito sa 400m freestyle, 200m butterfly, 400m medley relay, 800m freestyle, 100m butterfly, 200m freestyle at 400m freestyle.

Inulit niya ito noong 2015 kung saan anim na record ang itinala nito sa pitong nilangoy na event at tanging ang record sa 400m freestyle ang hindi nito nabura. Ang record sa 400m freestyle ay hawak ni Ryan Paolo Arabejo (4:08.36).

Sunod nitong winalis ang 2016 Palaro sa Tagum City, Davao del Norte sa pagwawagi sa 400m freestyle, 200m butterfly, 100m freestyle, 100m butterfly, 4x50m relay, 200m freestyle at 4x100m relay bago muling nagtala ng tatlong bagong record na kinabibilangan ng 200m butterfly (2:04.88), 400m medley relay (4:01.16) at 100m freestyle (52.97).

Hindi naman maalala ni Ilustre ang kanyang mga nakamit na medalya sa paglangoy sa elementary category noong 2013. — Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.