Kulang ang Aces

Bandera (Visayas) - - NEWS - BY BARRY PASCUA

D A L AWANG ni coach Alex Compton, Marami kasi ang hindi nakapaglalaro sunod na dahil sa sari-saring kapansanan. kabiguan Para nga silang “Walking ang sinapit Wounded”. ng Alaska Sa totoo lang medyo frustrating Milk bago ang season na ito para kay ang PBA Compton. All-Star Taliwas kasi ito sa nangyari sa kanyang koponan noong nakaraang taon kung kailan nakarating sila sa championship round ng Philippine Cup at Commissioner’s Cup. Nabigo nga lang sila na masungkit ang kampeonato.

Maaalalang nilamangan nila ang San Miguel Beer, 3-0, sa bestof-seven Philippine Cup Finals pero hindi nila natapos nang kanilang misyon. Nakabalik ang Beermen at nanalo sa huling apat na laro upang magkampeon.

Sa Commissioner’s Cup ay nagkita naman sila ng Rain or Shine sa Finals. Pero hindi sila nakaporma sa Elasto Painters na Week.

Kung naiba lang ang Alaska Milk, malamang na kinabahan na ito at inisip na baka magtuluy-tuloy ang pagsisid nila sa 2017 PBA Commissioner’s Cup. Alarming kasi para sa isang koponan ang makalasap ng back-to-back na kabiguan. Pero Alaska Milk ito, e. So umaasa ang karamihan na makakabawi ang Aces. Magagamit nila ang isang linggong break upang ayusin ang mga kamalian at paghandaan ang mga nalalabing laro.

Kahit paano ay gagaling din buhat sa injuries ang mga manlalaro siyang nagkampeon.

Ang akala ng karamihan ay makakakumpleto ng Grand Slam ang Aces. Ibig sabihin ay aabot ulit sa Finals ng Governors’ Cup at sesegunda.

Pero hindi nangyari iyon dahil nalaglag agad sila.

At tila nagtuloy ang trend iyon sa season na ito.

Kasi, hindi nakarating ang Alaska Milk sa semifinal round ng nakaraang Philippine Cup. Pumasok sa yugtong ito ang TNT KaTropa, Star, Barangay Ginebra at San Miguel Beer na nagkampeon.

Kaya naman kating-kati ang Alaska Milk na makabalik sa Finals. Nakakuha sila ng mahusay na import para sa Commissioner’s Cup sa katauhan ni Cory Jefferson.

Ang siste ay pinutakte naman sila ng injuries. Magmula pa nga noong Philippine Cup ay sandamakmak na players na nila ang may injuries.

Sa kasalukuyang torneo ay hindi napapakinabangan sina Noy Baclao, Dondon Hontiveros na at Chris Banchero. Naidagdag pa sa listahan si Calvin Abueva.

Aba’y talagang mahihirapan ang Aces. Biruin mong apat na matinding players ang kulang. Paano sila haharap at magbibigay ng magandang laban kontra sa kumpletong team?

Sana nga ay gumaling kahit paano ang mga injured players nila sa linggong nagdaan para matigil na ang kanilang pagsadsad.

Ang siste ay paano kung sa kabila ng pagbalik ng mga injured players ay patuloy na matalo ang Alaska Milk.

Iyon ang tunay na nakaaalarma!

Happy birthday kay Boneng Saberon na nagdiriwang ngayon, April 30. Gayundin kina Alex Garces, Kuki Salibad, Amy Ahomiro at Mary Ann Conejero (May 1), Oscar Rica at Emerito Legaspi (May 2), Peter Aguilar at Stephanie Rae Llorente (May 3), Melaney Caceres, Iona Yongco, Anthony Dasalla, Paul Artadi, Chad Mallari at Joy Resuta Gan (May 5).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.