ILOILO HANDA NA BA KAY ESPENIDO?

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

INIHAYAG kahapon ni Pangulong Duterte ang plano niyang paglipat kay Ozamiz City Police Chief Inspector Jovie Espenido sa Iloilo, para matutukan anya ang kampanya rito laban sa ilegal na droga.

"Espenido, where are you? Diyan ka lang, okay lang. I will ask you again. You asked for the assignment sa Leyte. Namatay ang mayor doon. You asked for another assignment sa Ozamiz, namatay ang mayor doon, si Parojinog. Ngayon, gusto mo sa Iloilo, kasi si Mabilog has been identified as a protector. Mayor. Mabuhay kaya siya?" sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos pangunahan ang paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kahapon.

Bago sa Ozamiz City, naunang naupo si Espendio sa Leyte kung saan napatay si Albuera mayor Rolando Espinosa sa kanyang selda. Si Espinosa ay idinawit sa ilegal na droga.

Nang maupo sa Ozamiz City, napatay rin ang alkalde sa nasabing syudad na si Reynaldo Parojinog at 17 iba pa na isinasangkot din sa droga.

"Your next assignment is Iloilo," utos ni Duterte kay Espenido.

Idinagdag ni Duterte suportado niya ang gagawing kampanya ni Espenido kontra droga.

Sa isang ambush interview, ipinagtanggol ni Duterte ang nakatakdang paglipat ni Espenido sa Iloilo.

"He is a dedicated man. He knows his law. So, he should replicate his exploits in other parts of the country. If he wants to be assigned in Iloilo, I will assign him there," giit ni Duterte. Welcome

Hindi naman problema ang gagawing paglipat ni Espenido sa Iloilo City, ayon sa alkalde nitong si Jed Patrick Mabilog. Anya pa, welcome ang opisyal sa lungsod, bagamat ipinagtataka niya ang paglipat nito sa lugar.

“I am puzzled that Chief Insp. Espenido is being assigned here, and that the President has again mentioned my name. But if that is his directive, then I will work closely and cooperate with Chief Insp. Espenido in completely wiping out the remnants, if there are still any, of the illegal drugs syndicate in Iloilo City,” ayon sa alkalde.

Dagdag pa ni Bilog, ipinapasa-Diyos na lamang niya ang mangyayari sa lungsod, at umaasang magiging ligtas ang kanyang pamilhya.

"I pray to God for His protection and guidance. I entrust everything unto Him. I pray that my family will always stay out of harm’s way,” dagdag pa ni Mabilog.—Bella Cariaso,

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.