Gerald sa relasyon nila ni Bea: ‘—‘What you see is what you get!’—

Kimerald: Walang personalan, trabaho lang Morisette nabiktima ng ‘fake laglag’ sa Facebook

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY ERVIN SANTIAGO

TIKOM pa rin ang bibig ni Gerald Anderson tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Bea Alonzo. Talagang ayaw niyang magshare ng ilang detalye about his rumored romance with Bea.

Ang sabi ni Gerald nang makachika siya ng ilang entertainment reporter sa presscon ng CosmoCee kung saan nag-renew uli siya ng kontrata bilang celebrity endorser nito, masayangmasaya sila ni Bea ngayon.

"What you see is what you get. Alam na namin kung paano tumatakbo ang industriya natin. Nakita n'yo naman, masaya lang ako sa opportunities at sa blessings na ibinibigay sa atin. Iyon ang focus ko," pahayag ng binata.

Isa sa bonding moments nina Gerald at Bea ay ang pagwo-workout, masipag na rin daw ngayon tumakbo ang aktres, "Hindi ako sure kung ako 'yung dahilan. Ang sinasabi ko lang, masaya lang ako kasi nakakahawa 'yung ganoong lifestyle na mayroon ako. Nakakatuwa lang."

In fairness, mukhang tama naman ang ginagawang pagkontrol nina Gerald at Bea sa pagse-share sa publiko kung anuman ang meron sila ngayon para iwas tsismis at intriga. At mukhang hindi naman selosa si Bea kaya walang intriga o tsismis sa kanila ni Kim Chiu na katambal ngayon ng kanyang boyfriend sa daytime series ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin.

At naniniwala kami na parehong pinaiiral ngayon nina Gerald at Kim ang kasabihang, "trabaho lang, walang personalan".

Samantala, patuloy na pinatutunayan nina Gabriel (Gerald) at Bianca (Kim) ang kanilang matinding pagmamahal sa isa’t isa sa kabila ng matinding pagsubok sa kanilang karera at personal na buhay sa Ikaw Lang Ang Iibigin. Inumpisahan na ng binata ang pagiipon para sa kanilang kasal ni Bianca kahit pa hindi na sila nakasali sa top triathletes ng bansa. Ito'y matapos ngang talikuran ni Bianca ang pagiging endorser ng Tiger Shark nang papiliin ito ni Carlos (Jake Cuenca), patunay na mas matimbang sa dalaga ang pag-ibig kesa sa pera. Patuloy din ang pagpupursige ni Bianca dahil naghanap siya ng marangal na trabaho upang may maipangtustos sa pabaho. milya.

Nananatiling sandigan nina Gabriel at Bianca ang isa’t isa kahit na patuloy pa rin silang hinahabol ng problema ngayong ayaw ipagkaloob kay Gabriel ang perang ipinangako ni Victoria (Ayen Laurel) sa kanyang last will and testament. Hindi rin titigilan ni Isabel (Coleen Garcia )si Bianca matapos isiwalat ng huli ang ilegal na transaction nito na naging dahilan ng pagkakasuspinde nito sa tra- baho.

Makayanan kaya nina Gabriel at Bianca na malampasan ang lahat ng pagsubok? Matupad pa kaya nila ang kanilang mga pangarap nang magkasama?

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang Ikaw Lang Ang Iibigin, sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Mabilis na nagbigay ng official statement ang Kapamilya singer na si Morisette Amon sa viral video ng isang babaeng nahulog sa stage habang kumakanta. Ginamit ng Facebook page na nag-post ng nasabing video ang pangalan ni Morisette.

Dahil dito, inakala ng mga netizens na si Morisette ang nasa viral video. Nang mapanood ang video, nakaramdam ng awa at pagalala ang singer sa naaksidenteng female performer.

Sa kanyang Twitter account, ito ang ipinost ni Morisette, "By the way, 1 very final thing... ung may kumakalat po na video na may nahulog sa hagdan, HINDI PO AKO UN."

"Sana okay lang un siya. Besides the fact na niloko po tayong lahat sa admin ng page ng un with that video, mas nag-alala po kami sa mismong taong nahulog doon sa hagdan.

"THAT IS NOT A LAUGHING MATTER!" ang huling mensahe ni Morisette Amon na sinegundahan din ng kanyang followers.

Nu’ng una naming makita ang nasabing post sa FB, inakala naming si Morisette ang nahulog na babae dahil nga naroon din ang litrato ng singer.

Ibig sabihin, talagang sinadya ng nag-post na ilagay ang photo ng dalaga para makakuha ng maraming likes at views.

BEA ALONZO KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

MORISETTE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.