Biyernes, holiday sa Eid'l Adha

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

PORMAL nang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation 297 na nagdedeklara sa Setyembre 1, 2017, Biyernes, na isang regular holiday bilang paggunita sa Eid’l Adha.

"Eid’l Adha or Feast of Sacrifice is one of the two greatest feasts of Islam," sabi ni Duterte sa pinirmahang proklamasyon.

Aniya, inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos na gawing holiday ang Seytembre 1 matapos na rin ang pinal na deklarasyon ng Saudi Arabia.

Sa ilalim ng Republic Act 9849, regular holiday ng Eid’l Adha, bagamat nagbabago ang araw nito base sa kalendaryo ng mga Mulsim.—Bella Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.