Gerald nagpatayo ng ospital para sa may sakit na aso

Gerald nagpatayo ng ospital para sa mga may sakit na aso

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - BY REGGEE BONOAN

KASALUKUYANG nasa Taiwan sina Ria Atayde at Matteo Guidicelli para sa bago nilang programa sa History Channel na napapanood sa cable.

Lilibutin nila ang Taiwan para ipakita sa mga manonood ang magagandang lugar at kung anu-anong pagkain ang ipinagmamalaki ng mga tagaroon.

Mensahe sa amin ni Ria, “It’s about food crawl buddy for Lifestyle Network. 5 days. Food trip. We get back 31 (August) po.”

Limang araw sina Ria at Matteo sa nasabing bansa at pagbalik ng dalaga ay may project na ulit siya na sa ibang bansa rin isu-shoot.

Mukhang matutupad na ang isa sa pangarap ng dalaga na maging TV host bukod sa pagiging artista dahil bagay naman ito sa tinapos niyang Communication Arts sa De La Salle University.

Siguradong ang unang matutuwa sa hosting career ni Ria ay ang daddy niyang si Art Atayde dahil matagal na niyang gustong mapanood sa telebisyon ang anak na nagrereport bilang news anchor.

Isinantabi na ng dalaga ang plano niyang pagsali sa beauty contest dahil sa rami ng offers sa kanya, hindi na raw niya maasikaso ang mahabang panahon na training kung sasali pa siya.

Samantala, masaya ang dalaga na magsasama ang kuya Arjo Atayde at mommy niyang si Sylvia Sanchez sa isang serye na matagal na ring pangarap ng pamilya nila at kung puwede nga, sana raw ay makasama rin siya.

Magaling talagang kontrabida si Jake Cuenca at siguradong walang kokontra sa amin lalo na kapag napapanood siya sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin sa ABSCBN bago mag-It’s Showtime.

Base sa napanood naming episode nitong Lunes sa Ikaw Lang Ang Iibigin ay sobrang sama ng karakter ni Jake bilang si Carlos dahil para hindi sila mabuking ng tunay niyang tatay na si Rigor (Daniel Fernando) sa kasalanan nila ay gagawan niya ng kaso si Gabriel (Gerald Anderson) para makulong ang binata.

Isa pang magaling din sa karakter niyang walang kuwentang ama ay si Daniel dahil hahayaan niyang mapasama ang anak-anakan niyang si Gabriel na wala namang ginawa sa kanya kundi alalahanin at alagaan ang lola nitong si Gina Pareño (Lola Lydia).

Pero baka naman sa huli ay ma-guilty si Rigor at pigilan si Carlos sa gagawin nito kay Gabriel dahil sasama ang loob ng lola nitong si Lydia na ina naman ng una.

Mauulit ang ginawa ni Rigor kay Maila (Bing Loyzaga) kung saan hahampasin para mapilay din ang anak nitong si Bianca (Kim Chiu ) na ipinakita sa trailer na may dalang pamalo at sabay holdup.

Samantala, kakasuhan naman ni Maila si Rigor na siya nga ang pumalo sa kanya para maging baldado dahil ang binayaran nitong may-ari ng ukay-ukay ay nagtapat na at handang tumestigo sa korte laban sa ama ni Carlos.

Magaling na si lola Lydia at nakauwi na sa bahay kaya abangan kung ano ang mga susunod na mangyayari sa Ikaw Lang Ang Iibigin handog ng Dreasmcape Entertainment na patuloy na tinatalo ang katapat na programa sa kalabang network.

Samantala, marami namang humanga kay Gerald dahil sa matinding pagmamahal niya sa mga aso.

Malapit nang maging operational ang ospital na ipinagawa niya para makapagbigay ng healthcare services sa mga nasusugatang aso. Ayon sa aktor, tapos na raw ang building ng K9 Hospital at kinukumpleto na lang nila ang magiging equipment at facilities nito.

Ang proyektong ito ay bahagi pa rin ng Gerald Anderson Foundation na itinatag ng aktor last year na ang main ibjective ay mag-train ng mga aso para sa search and rescue operations na magagamit tuwing may kalamidad o trahedya sa bansa.

GERALD ANDERSON MATTEO GUIDICELLI AT RIA ATAYDE

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.