Iloilo mayor di pwedeng rumekta kay Digong

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE - —Bella

KAILANGANG dumaan sa normal na proseso si Iloilo Mayor Jed Mabilog kung nais niyang makipagpulong kay Pangulong Duterte, na pinangalanan siya bilang protektor ng droga.

Sa isang briefing sa Malacanang, itinanggi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na pinupuntirya ni Duterte si Mabilog, pinsan ni Sen. Franklin Drilon.

"We don’t have word if there’s any meeting —if any meeting has actually been set up. But I’m sure if he goes to the usual channels of appointments, then I’m sure the President will be willing to seat with him if," ani Abella.

Nauna nang inihayag ni Duterte ang pagtatalaga kay Ozamiz City police chief Jovie Espenido sa Iloilo kung saan si Mabilog ang partikular niyang target.

Ipinaliwanag ni Abella na may rason si Duterte kung bakit ililipat si Espenido sa Iloilo sa kabila ng naunang pahayag na hindi na talamak ang droga sa lalawigan.

"He has his own sources of intelligence and he also has his own plan of action. So there is no specific spelled out reason why Espenido is being assigned there," ayon sa opisyal.

Sinabi ni Abella na hindi pa niya batid kung kailangan magsisimula ang pagkakatalaga ni Espenido sa Iloilo. Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.