Uber sumuko, nagbayad ng P190M multa

Bandera (Visayas) - - FRONT PAGE -

NAGBAYAD na ang Uber ng P190 milyong multa na ipinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), dalawang linggo matapos isuspinde ang operasyon nito.

Alas-12:45 ng hapon kahapon ay dinala ng mga abogado ng Uber na sina Ane Mascenon at Roberto Ramiro sa LTFRB ang tsekeng nagkakahalaga ng P190 milyon. Tumanggi naman silang maglabas ng pahayag.

Nauna nang sinabi ng LTFRB na aalisin nito ang isang buwang suspensyon ng Uber kung magbabayad ng P190 milyon.

Samantala, hinihintay pa ng LTFRB ang kumpirmasyon mula sa bangko ng Uber na nakatanggap nga ng tulong-pinansiyal mula sa transport network company (TNC) ang 36,000 driver nito na naapektuhan ng suspensyon.

Inatasan ang Uber na magbigay ng aabot sa P300 milyong tulong sa mga driver sa 19 na araw na natigil ang operasyon. — Inquirer.net

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.