Wanted, babae dedo sa engkuwentro

Bandera (Visayas) - - NEWS -

PATAY ang lalaking numero uno sa most wanted list ng Kalilangan, Bukidnon, at kasama niyang babae nang makasagupa ang mga pulis sa bayan ng Pangantucan.

Napatay si Lito Kinumpas, na may mga nakabinbing kasong may kinalaman sa iligal na droga at baril, ayon sa ulat ng Bukidnon provincial police. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng babae niyang kasama.

Naganapangengkuwentro alas-6 ng gabi Linggo sa National Highway na sakop ng Purok 2, Brgy. Madaya.

Bago ito, namataan ng mga otoridad si Kinumpas at ang isang di pa kilalang tao na sakay ng motorsiklo sa Pangantucan kaya sinundan.

Napansin ni Kinumpas na may nakabuntot kaya binilisan ang pagpapatakbo sa motor, ngunit naipit sa mabigat na daloy ng trapiko sa Madaya.

Hinagisan ng granada ng kasama ni Kinumpas ang nga pulis. Agad nagbabaan sa kanilang sasakyan ang mga parak at nang di sumabog ang granada ay tumakbo si Kinumpas habang pinapaputukan ang mga alagad ng batas.

Napatay si Kinumpas at ang kanyang kasama nang gumanti ng putok ang mga pulis. —John Robert Bolledo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.