Duterte dale ng fake news —Taguiwalo

Bandera (Visayas) - - NEWS -

FAKE news ang pinanggalingan ng pahayag ni Pangulong Duterte na napunta ang bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program fund sa New People's Army (NPA).

Ayon kina ACT Reps. Antonio Tinio at France Castro, ginagamit na lamang itong dahilan ni Duterte upang mapangatawanan ang hindi nito pagsuporta kay Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo sa Commission on Appointment (COA).

“At the same time, he is spreading lies and malicious accusations against one who, up to her rejection by the CA, had been one of the few rays of hope that the poor and marginalized had in his cabinet,” ani Tinio.

Hinamon ni Castro si Duterte na patunayan ang kanyang alegasyon na napunta ang pondo sa NPA.

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Taguiwalo na hindi dumaan sa kanyang kamay ang naturang pondo.

“For the record and for the President's own awareness, not a single peso of the 4Ps program passed through my hands. The program funds are directly coursed through the Landbank and its conduits who then make direct payout to the Pantawid beneficiaries. These transactions are recorded and COA regularly audits this program,” aniya.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.