Estudyante kay Aguirre: Mag-inhibit sa Kian case

Bandera (Visayas) - - NEWS -

HINILING ng ilang student leaders kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na maginhibit sa imbestigasyon kaugnay sa kasong murder at torture laban sa mga pulis na nakapatay sa Grade 11 na si Kian Loyd delos Santos.

Sa sulat kay Aguirre, iginiit ng mga lider mag-aaral na nahusgahan na ni Aguirre ang kaso base sa kanyang mga pahayag.

Nakalagay pa sa sulat ang pahayag ni Aguirre kung saan sinabi niya na hindi niya kinukondena ang mga pagpatay na may kaugnayan sa droga.

Iginiit ng mga mag-aaral na ang Office of the Ombudsman ang dapat magimbestiga sa isyu.— Inquirer.net

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.